Chapter 19

236 14 0
                                    

Ang bilis niya magmaneho. Sinusundan niya talaga kami.

Ilang saglit, traffic na naman. Tinignan ko Yung bintana pero wala dun Yung van nila. Bigla tuloy akong kinabahan. Ewan ko hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko basta isa lang ang nasa utak ko ngayon, si MARCO.

Maya-maya unti- unti ng umaandar ang mga sasakyan.

Sinilip ko ulit ang bintana pero wala Yung van nila. Asan na sila? Texan ko na lang si Tiffany.

To: Tiffany
Best, Asan na kayo?

Pagkasend ko, tinignan ko si Edward at nakatingin pala siya sa akin. Nakakahiya tuloy, si Edward ang kasama ko pero si Marco ang iniisip ko.

May sasabihin sana ako sa kanya ng biglang nagvibrate ang phone ko.

From: Tiffany
Best! Hindi ko alam kung nasan kami. Basta tumakbo si Marco papalabas ng van at susundan ata kayo Jan. Si James na muna ang nagdrive. Bakit? Hindi pa nakasakay si Marco jan? Eh, kanina niya pa hinahabol yang bus na sinasakyan niyo eh.

What?! Hinahabol?

Napalingon tuloy ako sa bintana at nakita ko siyang tumatakbo.

Biglang gumilid ang bus at huminto. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko basta ang alam ko lang, kailangan Kong puntahan si Marco.

Tumakbo ako papunta sa pintuan ng bus at may nakasalubong akong matandang babae. Tinulungan ko siyang makasakay pagkatapos, nakita ko si Marco na halos, naligo na ng sarili niyang pawis. Naawa tuloy ako. Pero naiinis ako sa kanya bakit niya ba ginawa yun?

Marco's POV

Sinusundan namin ni Yong Yung bus na sinasakyan nila. Ang bilis ko ng pinatakbo ang van na sinasakyan namin para mahabol yung lintik na bus na yun.

Ano ba kasi ang pumasok sa utak ng dalawang yun at bakit pa sila sumakay ng bus.

Naawa tuloy ako Kay Tiffany kanina pa siya natatakot dahil sa bilis ng pagmamaneho ko pero buti na lang, meron si James para pakalmahin siya. Kung tutuusin, bagay naman silang dalawa eh, kaso masyado kasing babaero si James halos sa isang linggo, tatlong babae ang kadate niya, samantalang si Tiffany, mahinhin at mabait.

Nakikita ko sa side mirror ang isang van na minamaneho ni Yong, nakabuntot lang siya sa amin.

Pinaspasan ko pa Yung pagmamaneho ko at pinantayan ko ang bus na sinasakyan nila at nakita ko si Vivoree. Kausap niya si Edward at tumatawa siya. Ang ganda niya. Naglagay rin siya ng earphones at dii nagtagal, napatingin siya sa pwesto ko. Hindi ko alam basta binaba ko na lang Yung bintana ng van at nagulat siya ng nakita niya ako. Ewan ko ba, bakit ako biglang kinabahan pero may halong saya.

Maya-maya ang dami ng sumingit na sasakyan at nagkatraffic pa. Ang layo na ng bus sa amin. Hindi ko alam kung mahahabol pa namin yun kasi ang layo na sa amin

"Dude, ikaw na muna magdrive, hahabulin ko sila. Ingat!" Sigaw ko sa kanila at tumakbo ng sobrang bilis.

Medyo, malapit na ako sa bus na sinasakyan nila, kaso biglang umandar na yung bus at umayayos na ang daloy ng mga sasakyan. Shit!

Hinabol-habol ko Yung bus. Sobrang bilis. Sa sobrang bilis, natapilok ako at nasubsob ako sa sahig.

Ayaw Kong sumuko kakatakbo, para Kay Vivoree pero, pagod na ako. Please Lord, help me.

Bumangon ako at hinabol yung bus. Binilisan ko lalo Yung pagtakbo at may nakita akong matandang babae na mukhang sasakay ng bus.

Huminto Yung bus. Wooh! Sumakay yung ale, at syempre, gentlemen ako, pinauna ko siya pagkatapos, aakyat na sana ako kaso sumalubong sa akin ang isang napagkandang babae na nakita ko. Automatic na lang ako napangiti. Bumilis Yung tibok ng puso ko at parang huminto ang oras.

"Ano? Magtitigan na lang ba kayo Jan? Sasakay ka ba?" Tanong nung driver. Ewan ko bigla na lang kami napangiti ni Vivoree at parang namula Yung cheeks niya. Umakyat na lang ako.

"Bakit mo ba ginawa yun ha?!" Ewan ko ba kung galit o nag-aalala si Vivoree sa akin pero bigla na lang ako napangiti sa kanya.

"Balik ka na muna sa pwesto mo." Sabi ko. Alam Kong pipilitin niya lang yan ako kaya buti paupuin ko na muna siya .

Nagkatinginan kami ni Edward, gusto ko siyang sapakin. Galit ako sa kanya. Pero pinipigilan ko lang Yung galit ko.

Umupo si Vivoree sa tabi ni Edward ako naman, umupo sa upuan sa likod nila. Pagod ako. Pero nakakahinga naman na ako ng maluwag kasi kasama ko na si Vivoree ngayon. Pero gusto ko munang matulog, medyo napagod ako.

Vivoree's POV
Habang nakalagay Yung earphone ko sa tenga ko, hindi ko tuloy maiwasan na ng tumingin sa likod.

Nakatulog pala ang mokong.

Tinignan ko si Edward. Binaba ko yunh earphone ko kasi mukhang may sasabihin siya sa akin.

"Nagtext sa akin si James, nagstop daw sila muna sila sa isang coffee shop. Medyo, malayo na daw tayo sa kanila."

"Ah. Sabihin mo, mag-ingat sila yan sa pagmamaneho. " sabi ko at ngumiti. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili Kong sumilip sa likod. Tulog pa rin siya.

Nagtataka tuloy ako, isang mayaman na tao si Marco. Pero minsan ba, sumakay na siya ng bus? Naalala ko at tuloy Yung kwento nung mama at papa ni Edward.

"Oo. Nakasakay na siya minsan sa bus. Pero matagal na yun."

Huh? Mind reader ba itong si Edward? Paano niya nalamam na yun ang iniisip ko?

"Paano mo naman nalaman na Yung ang iniisip ko?" Tanong ko at tumawa siya. Bakit? May nakakatawa ba?

"Ang dali kasing basahin yang utak mo." Sabi ni Edward at ginulo ang buhok ko.

"So, matagal na siyang nakasakay?" Tanong ko.

"Oo. Kasama niya si..... Yung ex niya" Ewan ko, pagkabanggit ni Edward dun sa saliyang ex, para akong nalungkot. Naalala ko tuloy nung umiyak si Marco sa ferris wheel. Ang sabi niya duon daw siya sinagot at hiniwalayan ng ex niya. Tapos ngayon, nakasakay na siya ng bus pero kasakay niya duon ang ex niya.

Ang daki niyang ex. Psh! Jerk nga talaga siya.

....

Huminto Yung bus para makapagmaryenda Yung mga pasahero. Pinauna na muna namin ang ilang mga tao na lumabas, ng medyo kaunti, tumayo na si Marco at sumunod na rin si Edward at syempre, ano pa ba ang gagawin ko? Sumunod na lang ako.

Paglingon ko sa pintuan ng bus, agad sumalubong sa akin Yung dalawa.

"Tulungan na kita" sabay nilang sabi at sabay inabot Yung kamay sa akin tapos ang lalawak ng ngiti.

Naguguluhan tuloy ako.

Kaninong kamay ang hahawakan ko?

Yung Kay Edward?

Or

Yung Kay Marco?

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon