Chapter 75

25 0 0
                                    

"Sorry mam, hindi po kami pwede magbigay ng information. Ayaw ko pong masisante."

Kanina ko pa pinipilit ang babaeng nasa front desk, at mukhang hindi ko nga siya mapipilit. Ayaw ko naman na masisante siya dahil sa kabaliwan kong ito.

Gumabi na at nakakulong pa rin ako  sa loob ng kwarto. Kanina pa kumakatok si Jake para lumabas ako pero hindi ko na lang siya pinapansin. Dito na muna ako.

Asan na kaya siya? Umuwi na ba siya? Andito lang ba siya? Paano niya nalaman na andito ako? Damn Marco!

Galit ako sa sarili ko. Galit na galit! Pagkatapos niyang gawin sa akin, sinira, winasak, niloko at sinaktan, mahal ko pa rin siya. PERO AYAW KO NA. TAMA NA.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero cannot be reach pa rin siya.

Lumabas ako at hinanap sila Manong Je at Jake sa labas at agad ko naman silang nahanap sa tabi ng dagat kaya nilapitan ko sila agad.

"Malapit na ito maluto mam." Tumango lamang ako sa sinabi ni Manong Je. Naglakad naman papunta sa cottage namin si Jake at nag-umpisang maghiwa ng mga pakwan. Totoo nga na may yellow na pakwan.

Ilang sandali ay natapos na ang lahat at nakalagay lahat ang pagkain sa mahabang dahon ng saging. Kanin, inihaw na bangus, hito, liempo at mga kamatis na may sibuyas. Sa dulo ay ang mga prutas.

Kumain na ako at ganun rin sila. Kumain na kaya si Marco? Pinagpatuloy kong kumain at nakipaghabilo sa kwentuhan nila Jake at Manong.

"Matamis itong dilaw na pakwan" sabi ko dahil masarap nga at first time kong kumain ng ganito.

Natapos ang kainan at wala pa rin akong balak na bumalik sa kwarto. Nagbabakasakali ako na makita ko siya dito.

"Magpapahinga na ako sa kwarto. Andun na rin si Manong Je. Are you sure you want to stay here?" Tumango lamang ako sagot kay Jake at nagsimulang maglakad lakad as tabi ng dagat. Alas diez na rin ng gabi at konti na ang tao dito dahil yung iba ay nagpaparty na sa bar dito.

Malakas ang alon, high tide siguro. Ang ganda dito sa Sta. Ana. Chineck ko siya sa internet at halos dulo na siya ng Pilipinas.

Natigilan ako sa paglalaro ng buhangin ng nakaramdam ako ng may tumitingin sa akin. Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala namang nakakapaghinalang tao sa paligid. Gumapang sa akin ang kaba sa sinabi ni Jake na may gustong pumatay sa akin. Natunton ba nila ako dito?

Tatayo na sana ako ng natigilan ako dahil may tumawag sa pangalan ko.

"Vivoree!" Halos mapatalon ako sa gulat na andito si Samuel! Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na andito ako?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit nasa labas ka? Pumasok ka na sa kwarto mo! Delikado na lumabas ka!"

Kinabahan ako sa sinabi niya. Alam niya? Bakit ganun siya umasta?

"Anong ibigsabihin mo?"

Hindi siya sumagot at napansin kong hingal na hingal siya. "Paano mo nalaman na andito ako?" Tanong ko ulit.

"Just stay beside me. Okay?" Umupo siya sa inuupuan ko kanina at huminga ng malalim. Hinatak niya ang pulso at pinaupo sa tabi niya. "I know everything."

Napatingin ako sa kaniya pero siya ay nakakunot ang noo at seryosong nakatingin sa dagat. Lumunok ako sa sinabi niyang yun.

"What do you mean?"

"Ikaw si Andrea Crizziella Thrillward, the long lost daughter of Andrew Thrillward and Abigail Thrillward. May gustong pumatay sayo. Noon pa man pero dahil akala nila patay ka na ay tumigil sila dahil wala ng magmamana sa kompanya nila pero dahil nalaman nilang buhay ka at may hinala na sila sayo, sinusundan ka na nila kahit saan ka magpunta. Andito sila, nakatingin lang sa atin. Kaya please, dito ka lang sa tabi ko para hindi ka nila saktan."

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon