Chapter 8

301 12 1
                                    

Vivoree's Pov
Kaya naman pala gusto ni Edward si Liezel, kasi maganda siya, mabait at mayaman.

Umalis na si Marco. San pupunta yun?

"Saan yun pupunta?"tanong ni Jake at kita ko ang pagngisi ni Erica.

"Tsk. Eh dii duon sa mga nang-away sa amin. Ano kaya ang gagawin niya duon?" Tanong ni Erica.

Ay oo nga. Mga 9 o'clock sa GYM.

Kawawa naman sila Heaven.

"Papahirapin niya yun. "Sabi ni Jake yung naka eye glass.

"Baka sa gigil ni leader baka mapatay niya yun." Takot na sabi ni James. Si James yung mukhang babaero.

" malay mo, patawarin niya." Sabi ni Yong. Yung pangmodel yung mukha. Medyo kilala ko na sila dahil sa araw-araw ba naman na hinahangaan sila sa school eh kilala ko na sila.

Gusto ko yung sagot ni Yong. Mukha siyang positive na tao.

"Bakit hindi natin puntahan?" Sabi ni Liezel kaya tumayo na kami lahat at papunta na kami ng GYM. Pero wala. Walang tao aa GYM kahit anino ng tao wala. Asan sila?

May mga dumaan na mga estudyante makapagtanong nga.

"Uhm. Miss, nakita mo po ba si Marco? Marco Stanley?" Tanong ko sa isang babae.

"Uhm. Kakaalis niya lang, may kasama siyang ibang babae papunta ata sila sa field."sabi nung babae.

"Ah. Salamat." Sabi ko at sabay umalis na yung babae.

"Sa field!" Sigaw ni James. Itong si James rin minasan, may topak rin. Bagay sila ni Erica.

Papunta na kami sa field. At ang daming tao. Asan sila Heaven? Asan si Marco?

"Anong meron?" Rinig kong tanong ni Yong sa isang babae at kita ko ang pagkilig ng isang babae. Essu. Sabagay gwapo nga naman si Yong pero masgwapo si Edward kaso meron na siyang Liezel.

"Uhm. May pinaparusahan si Marco mga babae. May ginawa daw kasi silang dii nagustuhan ni Marco. Actually, kanina lang nag-umpisa."sabi nung babae.

Nag-umpisa? Na ano?

"Anong umpisa?" Tanong ni Tiffany

"Yung parusa" sabi ulit ng babae. Oo alam namin na parusa pero anong klaseng parusa yun?

"What kind of a punishment?" Tanong ni Edward kaya napatingin ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Pero kung sila na talaga ni Liezel, masaya na ako, even it hurts me a lot.

"Tatakbuhin nila ang buong field at uulit-ulitin nila ito ng 20 times." Sabi nung babae at umalis na kami. Eh ang field, sobrang lawak. Grabe. Tapos 20 times uulitin? Dii nila kakayanin yun. Baka mahimatay pa sila lagot ka Marco!

"Bakit niya ba ito ginagawa?" Tanong ko sa kanila at lahat naman sila tumingin sa akin.

"Ginagawa niya yan, dahil sayo. Gusto ka niyang ipaghiganti sa mga nang-away sa inyo."sabi ni Edward. At bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Dahil ba sa sinabi ni Edward or dahil sa paghihiganti ni Marco sa akin. Pero bakit ba kasi niya ito ginagawa?

"Pero bakit niya ako pinaghihiganti? " tanong ko sa kanila at walang ni isang sumagot.

"Concern siya sayo." Sabi ni Liezel. Si Marco? Eh bakit naman siya concern sa akin?

Eh dii ba nga, siya naman ang unang nagbully sa akin dito sa school. Siya pa itong walang pusong tao na nakilala ko tapos, concern siya sa akin?

Lumapit na kami malapit sa field at nakita ko sila Heaven tumatakbo na silang lima. NakapangPE shirt at pants sila. Kitang-kita ko na pagod na sila.

Dii ko mapigilang hanapin si Marco. Asan na ba yun?

"Jake pwede bang hanapin mo si Marco." Sabi ko kay Jake at tumango na lang ito.

"Ayun siya" sabi ni Jake at sabay turo duon sa kabilang side na pinapayungan pa siya ng isang babae. Aba! Ang sarap ng buhay mo mokong!

Binalik ko ang tingin kanila Heaven at sa dii inaasahan ay natapilok si Heaven.

Dii na pwede ito.

Tumakbo ako papunta sa field. Rinig ko pa ang pagtawag nila ng pangalan sa akin pero dii ko na langs sila pinansin basta ang nasa isip ko, kailangan kong pigilan ito.

Nilapitan ko si Heaven at kita sa mga mukha niya ang pagod. Inabot ko ang kamay ko para tulungan siyang tumayo.

Nakatayo na siya pero pagod na siya talaga.

"Sorry Vivoree" sabi niya sa akin. Sino ba naman ako para dii ko siya patawarin diba?

"Ok na yun." Sabi ko at agad ko siyang iniwan at pinuntahan ko yung mokong na yun! Diina pwede ito!

"Marco, itigil mo na ito!" Walang takot kong sinabi. Alam kong nasatama ako kaya ipaglalaban ko ito.

"What are you doing?" Tanong niya.

"Marco, itigil na natin ito. Pinatawad ko na sila. Tama na. Let them forgive" sabi ko sa kanya. Inaasahan kong magagalit siya, susungitin niya ako. But I was wrong.

"If that' s what you want. I'll forgive them." Sabi ni Marco. Bakit bigla atang bumait itong mokong na ito?

"Thanks." Sabi ko at aalis na sana ako ng may sinabi siya ulit.

"Lahat ng mag-aaway at pahihirapin si Vivoree, malalagot sa akin" sabi ni Marco at tinignan ko siya ng masama.

Dug...

Dug...

Dug...

Bakit mo ba ito ginagawa?  Bakit nararamdaman kong masaya ako? Masaya nga ba ako? Bakit mo ako pinoprotektahan?

--------------------
Third Person

Sa New York, may mag-asawang negosyanteng mayaman.

Habang sa kanilang mahimbing na tulog nila, nagulat yung lalaki na biglang nagising at sumigaw ang asawang babae.

"Anak ko!" Sigaw nung asawang babae. At tila, dii makapaniwala sa nangyari. Agad namang hinawakan nang asawang lalaki ang babae.

"Anong nangyari sa anak natin?" Tanong nung lalaki sabay hawak sa kamay ng asawa.

"Buhay siya. Buhay siya." Sabi ng babae.

"Huh? Paano?" Tanong muli ng asawang lalaki.

------------------------

Liezel ☝☝☝

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon