Nakatingin pa rin ako sa sahig na tili nang unti-unti nang bumabagsak ang katawan. "Yan Marco! Yan! Para magising ka sa katotohanan! Binalaan na kita noon na wag na wag mong saktan si Vivoree pero ginawa mo pa rin! Ilang beses mo na siyang nasasaktan kaya malamang sumuko na ang tao! Kaya wag kang umasta ngayon na para bang ikaw ang nahihirapan at nasasktan dahil in the first place! Ikaw ang nananakit!-"

"Sa tingin niyo ba robot ako at hindi tao para hindi manlang masaktan? Ha!" Sigaw ko at malakas na pwersa ang pag-agaw ko sa sariling braso at umupo sa half circle naming upuan at agad na lumagok ng alak. Wala ng baso-baso, bote daretsyo sa bibig.

Ilang lagok ay ang kalahating black label na alak ay naubos ko agad. Umaalon na ang paningin ko pero uminom pa rin ako ng ibang alak sa lamesa.

"Marco, andito ka lang pala! I am so much worried about you!" Napalingon ako sa dumating, at first, I thought it was Vivoree, pero nang makita ko ang mukha ay nabigo ako.

Inagaw ni Elle ang alak na hawak ko pero itinulak ko siya dahilan para mapaatras siya.

"Marco! Ano ba! Gabi-gabi ka na lang ba maglalasing?! Umuwi na tayo! Hinahanap ka na ni tita-"

"Peste ka! Lumayo-layo ka sa harapan ko!" Sabay bato ng babasaging bote na hawak ko sa lamesa dahilan para umalingawngaw ang ingat.

"Marco, wag kang g-ganyan" nanginginig na sabi niya. Dinaluan na rin siya ng mga kaibigan ko para patahanin siya. "Yung baby natin-"

"HINDI KO ANAK YAN! MALAKAS ANG LOOB KO NA HINDI KO ANAK YAN! KAYA WAG MO IPARATANG SA AKIN NA ANAK KO YAN! DAHIL SA UNA PA LANG AY WALANG NANGYARI SA ATIN!"

"Meron nga Marco! Sobrang lasing ka! Diba nasa kwarto mo na tayo pagkagising natin-"

"DAMN YOU! KAPAG NAPATUNAYAN KO LANG NA HINDI KO ANAK YAN, MAGTAGO KA NA SA PINANGGALINGAN MO DAHIL SINIRA MO SO VIVOREE! SINIRA MO AKO! SINIRA MO KAMI!"

Maslalo siyang umiyak at nang hina. Lumagok na lamang ulit ako ng alak at hindi na siya pinansin. Basta ilang minuto ay nawala na siya agad sa bar. Hinatid ni James si Elle patungo sa bahay nila.

Ang tugtog,ilaw at usok sa bar na nagsasabing nasa highlight na sila ng party. Tumabi sila Yong sa akin at uminom na rin ng alak.

"You really a jerk huh" sabi ni Jake na natatawa pero ramdam mo na may konting inis.

"Kinareer eh" ani ni Ed at uminom ng alak.

"Basta tandaan mo, we only want the best for you." Sabi ni Yong at lumagok na rin ng alak at ganun din si Ed at Jake. Hanggang sa ang maalala ko na lang ay wala na kaming lahat sa katinuan magbabarkada.

*end of flashback*

Gusto kong mangiyak dahil sa lahat ng pagkakamali ko, at ngayon si mommy. Wala pa rin akong kaalam-alam sa mga pangyayari. Gulong-gulo ako kung bakit may gulong ganito.

Naalala ko kanina ang dahan-dahan na pagbaba ni Vivoree sa hagdanan na para siyang prinsesa at ako ang prinsipe na mag-aantay sa kaniya sa babae pero lumayab ang dugo ko nung nakita ko si Samuel sa baba't naghihintay. Dapat ako yun! Dapat ako! Pero nang nalaman kong siya, siya pala ang nawawalang anak ng mga Thrillward, naiinis ako sa sarili ko dahil wala manlang ako sa tabi niya nung nalaman niya nag tunay niyang pagkatao, wala ako sa tabi niya para tulungan at yakapin siya.

"Tito totoo ba lahat i-ito?" Naiiyak na sabi ng kapatid ko dahilan para hawakan ko siya sa braso. Natatakot siya tulad ko.

"Your mother wants our daughter to be killed! Siya ang rason kung bakit nahiwalay ang anak namin ng mahabang panahon! Sorry, but your mother is bad like his own father!" Galit na sinabi ni tita at tinakpan ang mukha gamit ang kaniyang palms.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon