Hindi ko namalayan ay nakarating na pala ako baba at nagulat ako dahil ang sumalubong sa akin sa baba ay si Samuel! Maganda ang ngiti na iginawad sa akin, I don't want to be rude to him that's why I smiled at him too.

"You look so pretty, Andrea" sabi ni Samuel sabay ngiti at mahinang tawa kaya natawa na rin ako. Hindi ako sanay na tawagin pa rin akong Andrea kaya naninibago pa rin ako.

Inaalalayan ako ni Samuel hanggang sa makarating sa tabi nila papa. Sa loob ng bahay ginanap ang party, pero ang kainan ay sa labas. Maraming tables ang andun sa garden at malapit sa pool. Kinuha ko ang mic at tinapat sa bibig ko. Kaninang umaga pa ako nagpapractice nitong message ko pero kinalabahan pa rin ako!

"Uhm.. Hello!" Masaya at natatawa kong sabi dahilan para matawa rin ang mga tao. "Uhm.. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin. Talking in front of you not being as Vivoree but my true name and identity." Natigilan ako saglit at napalunok. "Vivoree Mae Alcantara, yan ang pangalan na kinagisnan ko, yan ang pangalan na kinasanayan ko, yan ang pangalan na kinalakihan ko. Ang dami kong pinagdaanan sa buhay gamit ang pangalan na yan, masakit man o masaya kaya malaki ang pasasalamat ko sa panghiram sa akin niyan."

Lahat nang atensyon ay nasa akin. Abang na abang sila sa aking mga sinasabi. Huminga ako ng malalim bago muling nagpatuloy. "Gamit ang pangalan na yan, nakilala ko ang isang tao na nagpatibok ng puso ko"

"Ayiee" kinilig ang mga tao sa sinabi ko. Yung iba, probably hindi nila alam kung sino. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at sa wakas ay nakita ko na siya kasama ang grupo ng mga kaibigan ko, kasama niya si ate Chloe. Bigla akong nahiya sa sinabi ko. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at nginig ng mga paa.

"Gamit din ang pangalan na yan ay nakakilala ako ng mga kaibigan. But know, na nakilala ko na ang tunay kong magulang, I want to make time with them. Sa dami ng panahon na wala ako sa tabi nila, sabik na sabik kaming lahat na magkakasama. Sumang-ayon na ako kay papa na palitan ang pangalan ko. Kasi ito naman talaga ang pangalan ko. I am still Vivoree, and I am Andrea. Dalawang pangalan, pero ito pa rin ako. Salamat kanila tita Rita at kay Rachelle, kung wala kayo baka wala ako dito. Sa mga kaibigan ko, salamat sa lahat ng pagtulong niyo sa akin. Sa mga taong sumuporta at nagmahal sa akin, mahal na mahal ko kayong lahat. Mama, Papa, Gielyn, mahal ko kayong lahat." Sabi ko at yumuko sa lahat ng tao. Tumulo ang mga luha ko dahil sa saya na nararamdaman ko. Inangat ko ang tingin ko kanila mama at niyakap nila ako agad.

"Finally, you're home anak." Sabi ni mama habang mahigpit na niyakap ako.

Ilang speeches ang naganap at pagkatapos ay kainan na. Hindi ako nagdalawang isip na pumunta sa table ng mga kaibigan ko malapit sa pool. Nang nakita nila ako ay agad sila nagsitayuan. Sinalubong ako ng yakap ni Liezel. Everyone is formal. She looks good in her long gown!

Tinigan ko sila Claire at ngayon ko lang napansin ang pagmugto ng mata nito. "Umiyak ka?" Tanong ko sa kaniya.

Hinampas nito ako ng mahina sa braso "Sinong hindi maiiyak ha? Kasama kami sa speech mo! Kasama kita buong sem! Kasama ako sa paglalakbay mo! Proud na proud ako sayo! Wag mo kaming kalimutan ah?" Naiiyak na sabi nito at niyakap muli ako. Natawa na lang kami lahat sa kaniya at ganun rin siya.

"Pwede bang pahiram nitong gown mo sa birthday ko? Sa October pa naman!"

"Ano ka ba Erica! Sure!"

"Hahahaha! Bongga ka na friend!"

"Congrats Andrea!" Sabi ni Ed at niyakap ako. Kasama niya si Jia na naka ngiti sa akin. "Congrats" at niyakap rin ako. Buti at nagmamabutihan na itong dalawang ito.

"Thank you" sabay kong sabi sa kanilang lahat. Nasa ibang table sila Marco, doon sila sa garden dahil andoon daw ang pamilya nila at andoon daw si Isabelle.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon