From: Jake

Call me when you already feel better. Dahil masmahirap intindihin ito.

Nacurious ako agad sa sinabi niya. Umuwi ako sa bahay at hindi na ako nagulat pa nang nakita ko si Marco sa harapan ng gate. Nang nakita niya ako, agad siyang tumayo at pilit na lumapit sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Vivoree, let's talk. What you heard--"

"Is correct." Pagdugtong ko sa sinabi niya. "The evidence is strong. Malamang sa malamang yang bruhang syota mo ang nagpadala nun--"

"Wag mong sabihan na bruha ang girlfriend ko!"

"Bakit hindi ba talaga? Tss!"

"Tignan mo nga ang sarili mo kung bruha ka"

Natigilan ako sa sinabi niya. Pero inignore ko na lang at papasok na sana kaso binalik ko ang tingin sa kaniya.

"What I mean, yung isa mong girlfriend."

Agad akong tumakbo papasok sa bahay at sinabihan na wag papasukin ang taong yun. Nagpupumilit siya pero hindi ko na pinansin pa.

.......

Halos ilang oras akong nagtambay sa kwarto at pinalipas ang oras. Nakaramdam ako ng gutom nagpatawag ako ng katulong na magdala ng pagkain dito.

"Mam, ito na po yung maryenda niyo"

Binuksan ko ang pintuan at naabutan si Manang Ji na hawak ang food tray. "Uhm.. Mam, si sir po, nasa labas pa rin ng gate"

What?! Ilang oras na akong humiga dito at andun pa rin siya?

Wala akong ibang ginawa kundi kumain. Magsisix na ng gabi ng napag-isipan kong magluto at dalhan si papa ng pagkain sa hospital. Nagpatulong ako kanila Aling Devota sa pagluto ng Calderetang manok. Mga 7:30 na ng napagisipan kong umalis na pero naalala ko, andun pa rin kaya siya sa labas?

"Manang Ji" tawag ko at agad naman siyang lumapit sa aking galing sala.

"Yes mam?"

"Meron pa rin bang tao dun sa labas ng gate?"

"Ay tignan ko lang po" biglang siyang naglaho at hindi nagtagal ay bumalik rin siya agad. "Yes mam"

That man!

Kinuha ko ang itim kong jacket at umalis ng bahay gamit ang gate sa likod. Tss.. Akala niya hindi ko siya mauutakan?

Tumakbo ako palayo hanggang sa may nakita na akong taxi. Sumakay na ako at ilang minuto ay nasa hospital na ako.

Andun si Rachelle nagbabantay kay papa. Nagising si papa sa pagkadating ko.

"Nagluto ako ng caldereta. Kain ka na kayo" sabi ko. Tinignan ko si Rachelle like she's warning me about something. Malamang alam niya na ang nangyari kanina.

Oh no, baka sabihin niya kay James na andito ako at sasabihin niya naman sa magaling niyang leader at malamang andito na yun mamaya!

"Mukhang masarap yan anak ah?"

Tumawa ako at nilapag ang pagkain sa lamesa niya.

Sinubuan ko siya at pagkatapos ay nabusog na ito.

Nagring ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Marco's calling at dahil tamad akong sagutin, hinayaan ko na magring iyon at nilagay sa silent mode.

Ngayon naman ay may tumawag sa phone ni Rachelle.

"Hello.. Yes she's here.. Please don't tell Marco.. Okay..  Vivoree gusto kang kausapin ni Jake" at inabot niya sa akin ang phone niya

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon