Maglalakad na sana ako ng biglang may humablot ng cellphone ko! At tinakbo papalayo! Walang hiya!

"MAGNANAKAW! TULONG! TULONG!" Sigaw ko at hahabulin ko sana ang magnanakaw mg may humawak ng braso ko na isang lalaki!

Kinabahan ako bigla, kasabwat kaya siya ng magnanakaw?

"BITAWAN MO AKO! KASABWAT KA NIYA NOH? BITAWAN MO AKO!"

"What? Kasabwat? Jan ka lang." Sabi niya at dahan-dahan binaba ang kamay niya at hinabol ang magnanakaw!

Sino yun?

Nagtawag na rin ako ng guard at lumapit sila agad sa akin ganun din ay nagtawag na rin siya ng ibang guards at pulis. Sinundan namin yung magnanakaw at naabutan namin sila na nagsusuntukan nung lalaking humawak ng braso ko kanina.

Nakita kong may nilabas ang magnanakaw ng kutsilyo kaya hindi ko na napigilang sumigaw.

"Kutsilyo!"

Masnaging alerto siya at pinigilan ang magnanakaw sa balak niya. Ganun din ay sumali na rin ang guards at sa kabutihang palad ay nahuli na ang magnanakaw.

Nga-nga pa rin ako sa pangyayari, I can't believe!

Nagpaumanhin ang magnanakaw sa akin at dinala siya agad sa presinto, kinausap rin ako ng mga pulis at hindi nagtagal ay lumapit na rin ang lalaki sa akin at ibinalik ang phone.

"Salamat nga pala" sabi ko at tinignan ang mukha niya. Kung titignan mo ang mata niya, may pagkapareho sila ng mga mata ni Marco.

Ngunit nahiya ako ng makita ko sa pisngi niya ang pamumula at ang dumudugo niyang kamao!

"Teka, nasaktan ka ba?"

"Ok lang. Ikaw ok ka lang?"

Ok, gwapo siya pero para sa akin masgwapo si Marco. At tama ba na yan ang itanong niya sa akin? Siya ang nakipagbugbugan ah?

"Punta tayo sa hospital, ipapagamot kita. Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Samuel. I am Samuel Cordova" sabi niya at nginitian ako na para bang hindi siya nasasaktan ngayon or nahahapdian.

"Oh, I am Vivoree Alcantara. Salamat talaga." Sabi ko.

Naglakad na kami papalapit sa hospital at ginamot siya agad. Tinexan ako ni tita Rita na umalis na siya dahil late na siya at si papa ay natutulog lamang. Ganun din ay tinexan ko si tita Rita tungkol sa nangyari.

Pagkatapos niyang gamutin ay hindi pa rin ako umaalis sa tabi ni Samuel.

"Samuel, hindi ko talaga alam kung paano ako babawi--"

"Date with me."

Tama ba ang narinig ko? Idedate ko siya kapalit nung ginawa niya?

"But if you don't like the idea, it's ok"

"No. I mean yes. Saan mo ba gusto? Kailan?" Tanong ko sa kaniya.

"Baka napilitan ka lang"

"Hindi. Ok lang. At least makabawi ako sayo right?"

"Hahaha. Give me your number tetexan na lang kita" sabi niya at binigay ang number ko sa kaniya.

"Salamat talaga"

"Wag mo na isipin yun. Pero gusto ko sanang magtanong, bakit parang masyadong importante yang cellphone na yan sayo?"

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang cellphone ko.

"Nasa malayo kasi siya ngayon, kasama ang kaibigan niya andito nakasave yung messages namin, number niya at pictures na rin. Kaya nung may humablot niyan, siya agad ang naisip ko."

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon