What is this?

"Hey, are you ok?" Nakatingin ako sa kaniyang mata at makikita ko duon ang pag-aalala. Ang saya niya palang titigan.

"I'm fine." Nakangiti kong sabi at pinatong ang palad ng kamay ko sa ulo niya. "Don't worry about me"

"Ah, so manonood tayo ng fireworks dito?" Tanong niya sa akin dahilan para matawa ako.

"Hindi, duon" turo ko sa lugar kung saan medyo maraming Tao at open area. "So, maglakad na tayo" yaya ko sa kanya.

Nag-umpisa na kaming maglakad ngunit hindi kami nagsasalita.

Awkward.

"Yah" sabay naming sabi at nagkatitigan kami.

"May sasabin ako" sabay na naman naming sabi

"Ako rin" sabay na naman naming sabi

"Hahaha!" Sabay rin namin tawa.

"Sige, kaw na mauna" sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Gusto kitang kamustahin. Musta yung papa ni Vivoree?" Tanong niya sa akin

Madalas ko kasing kinekwento sa kanya si Vivoree kaya kilala na niya ito ngunit hindi niya pa nakikita.

"Well, stage 3 na ang cancer niya. Medyo nakakatakot na rin, pero nakikita ko sa kanya na lumalaban naman siya." Sabot ko

"Eh si Vivoree, for sure mahirap para sa kanya ang mag nangya---"

"Don't worry, isasama kita sa susunod na pagdalaw namin ng mga kaibigan ko. "

"Nakakahiya naman yun Ward"

"Bakit ka mahihiya. Teka anong Ward?"

"Para maiksi lang"

"Tss.. Yung mga barkada ko Ed ang tawag sa akin ikaw Ward, pero astig ha, ikaw lang ang tumawag sa akin nun."

"Kung ganun, swerte pala ako." Masayang sabi niya.

Malayong-malayo siya sa nakita ko noon sa bar. Tsk.

"Oo nga pala, ano Yung sasabihin mo sa akin?". Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya at hindi ko namalayan ay may nabangga ako na isang babae.

"Array ko!" Sabi nung babae at natumba sa damuhan.

Isabelle

"Sorry." Sabi ko at tinulungan siya. Ang hina naman pala niya.

"Watch out-- Ed?" Tsk.

"Yeah. Sorry again. Now excuse us" sabi ko kaso pinigilan niya kami maglakad.

"Wait, sino siya?" Tanong niya sa akin habang nakatingin kay Jia.

"It's none of tour business Elle. So please, don't block our way" medyo naiirita kong sabi pero hindi pa rin siya umaalis.

Wala talagang magawa sa buhay.

"Ipakilala mo naman ako sa kanya Ed" sabi niya at nagbigay ng isang nakakalokang ngiti.

Huminga ako ng malalim at tinignan si Jia na nakatingin lang pala sa akin.

"Isabelle meet Jia." Sabi ko at tumingin naman ako kay Jia. "Jia meet Isabelle but call here Elle for short" Sabi ko at tinignan si Elle.

"Hi, nice to meet you" inosenteng sabi ni Jia at inabot ang kaniyang kamay kay Elle para makipagshake hands ngunit parang wala namang balak tanggapin ni Elle ang pakikipagshake hands na in offer niya.

"Sorry, ginto ang kamay ko. Hindi pwedeng hawak-hawakan ng kung sino-sino" maarteng sabi ni Elle kay Jia

Ngunit mukhang walang balak rin na ibaba ni Jia ang kamay niya. Nakita ko sa mga mga labi niya ang ngisi at mapapait na ngiti.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon