.....................

Marco's POV

Pagkaupo ko sa sofa, nabasa ko ang text ni Yong sa akin.

From: Yong Pogi
Brad! Nakauwi na kami! Papunta kami jan sa hospital mamaya. See you.

Napangiti ako dahil SIYA lang ang nakakaalala sa akin! Hindi manlang nagtext yung tatlo!

"Gusto mong kumain?" Tanong sa akin ni Vivoree na katabi ko na pala.

Nakaupo siya sa tabi ko. Yyiiieee.. Kinikilig na naman ako.

"Ah, hindi na. Papunta mamaya sila Yong. Ikaw? Gusto mo bang kumain?"tanong ko rin sa kanya.

Ngumiti naman ito sa akin.

Naku, wag mo akong idaan-daan jan sa ngiti mo. Dahil kapag hindi ko napigilan, papakasalan na kita ngayon.

"Busog na ako. Kailangan ko ng lakas para mabantayan ko ng maigi si papa. Musta kagabi?"

Hindi ako agad nakakibo. Kagabi? Isang bangungot! Hindi ko maimagine na sinabi ko yun Kay mama! Pero kung ganun pa rin siya, mapipilitan akong mapili sa kanilang dalawa ni Vivoree.

"Ayos lang. Lalo na, kasama na ulit kita. Uhmm.. Vivoree, may gusto akong itanong sayo."

"Ano yun?"

"Mahal mo rin ba ako?"

Hindi sia agad kumibo. Natameme siya. Naging awkward tuloy! Nagmamadali ka ba Marco?!

"Ahh.. H-hindi. Ok lang k-kahit hindi mo sagutin." kabado kong tanong.

Tumayo siya at kumuha ng tubig at uminom. Pagkatapos ay tumayo siya sa pader sa tapat ng sofa na inuupuan ko.

Tapos nakatitig siya sa akin!

"Nagmamadali ka ba?"

Patay! Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Wrong move Marco, Wrong Move!

"Ah-- hindi. N-natanong ko lang." Yumuko ako saglit at sabay tingin sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Malapit mo nang malaman jan sa tanong mo." Sabay ngisi at lumapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "May mga bagay ka kailangan pa tayong ayusin. At kapag tapos na lahat, magiging masaya tayong dalawa. SOBRANG SAYA. Kaya, mangako ka sa akin, antayin mo ako." Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya ng sobrang higpit.

Sana ganito na lang parati. Bakit ba kasi ang daming kumokontra? Ang daming problema?

Napabitaw kami ng biglang may nagbukas ng pinto. Kaya agad kaming umiwas sa isa't-isa. Nagkailanganan tuloy..

Huhuhuhuhu....

"How's he?" Tanong nung nurse. Pssh.. Pero, honetsly, ang ganda ng nurse haa..

Ang sexy, maikinis ang balat, Maputi, ang tangos ng ilong, parang red na may pagkapink ang labi niya, matangkad pa, straight na color black ang buhok, tapos ang haba ng pilikmata niya.

Pero wala siyang panama Kay Vivoree ko =)

"Ah. Ok naman siya. Kakatulog niya lang. Nakainom na rin siya ng gamot kanina." Sabi ni Vivoree at tinignan ako ng masama.

Kanina ang sweet mo sa akin tapos ngayon, ang sama ng tingin mo sa akin. May problema ba?

May ginawa ang nurse at chineck sa papa ni Vivoree. Then pagkatapos ay lumapit ulit siya Kay Vivoree.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon