Hmm... Corn Beef, itlog, hatdog, tuyo at sinangag na kanina is equal to PERFECT!

"Oh, magdasal na tayo?" Tumango na lang ako at ayun , nagdasal naman na kami pagkatapos ay sinabayan naman niya akong kumain.

"Oh, anak, galingan mo ha" sabi ni papa

"Opo naman." Sabi ko

"Hmm... Pwede bang sumama sa inyo?" Napatingim kami ni papa sa nagsalita at nakita namin sila Tito at Tita na nakangiti sa amin

"Syempre naman po. "

Umupo na sila at kumain rin.

"Galingan mo Vivoree ha.. "

"Opo tita"

"Goodluck Viv"

"Salamat po tito."

Nagkwentuhan pa kami. Pagkatapos ay bumalik na ako sa taas para ayusin na ang gamit. Pagkacheck ko sa phone ko, wala pa rin siyang text. Baka tulog pa.

Tinulungan ako ni papa na ibaba ang bagahe ko hangga't sa makarating kami sa kotse ni tito. Ihahatid niya daw kasi ako sa school at sasama na rin si tita.

"Ingat ka Viv. Pag-uwi mo, bonding tayo anak ha? Mahal na mahal kita. Mag-ingat ka parati" sabi niya at niyakap ako. Pero kumalas rin siya agad sa yakap.

"Kayo rin po" sabi ko. Kumaway ako sa kanya at sumakay na sa loob ng sasakyan.

*fast forward*

To: Marco

On the way na ako papuntang school. Gising ka na ba?

Habang nasa biyahe, inaantay ko ang reply niya. Pero wala pa rin!

Pagkarating namin sa school, andun na sa gate nag-aantay ang mga kasama ko pati si coach at ibang faculties.

"Oh, Hi Mr. And Mrs. Thrillward! It is nice to see you again." Bati ni coach sa kanya sa mag-asawa.

"Oh well, it is nice to see you again Mr. Villamarin." Sabi ni tito at nakipagshakehands pa silang dalawa ni tita.

"Good morning Vivoree" Bati ni sir sa akin

"Good morning sir" sabi ko naman.

"Oh, by the way, can I ask you a favor Mr. Villamarin" sabi ni tita

"Please, take care of Vivoree. If there's a problem, call us immediately. " sabi ni tita.

"Yes Mrs. Thrillward."

"Thanks. We have to go." Sabi ni tita ay coach. "And you Vivoree, take care ok? Do your best. Ok?" Baling niya sa akin.

"Yes tita. Bye"

Kumaway na lang sila sa amin lahat hangga't sa makaalis na sila.

Pagkaalis nila tita, ilang minuto rin ang nakalipas, dumating na si Rio. Actually, si Rio lang naman na talaga ang inaantay namin.

Hinatid siya ng mother niya. Kinis pa nga siya ng mama niya sa cheeks niya kaso itong Rio na ito, nahiya pa.

Dumating na rin ang bus ng school. On the way na kaming lahat sa airport.

To: Marco

On the way na ako sa airport. Gawa mo na?

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon