"Pssh. Kailan mo gusto?"

"Kapag wala ka na."

Tinarayan niya ako at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bwisit, nilayo ko ang mukha ko sa kanya pero maslalo niyang nilalapit sa akin ang mukha niya.

Kapag ako nahuli ni Vivoree, malilintik ka sa akin.

"MARCO"

Napatingin kaming dalawa ni Isabelle sa babaeng bumanggit ng pangalan ko, oh no!

Tumayo agad ako pero umalis siya agad. Aishh.

Hinawakan ni Isabelle ang kamay ko pero agad ko yun tinanggal. Hinabol ko si Vivoree. What a life?!

Ang dami ko ng nakabangga kahit ang dean namin pero dahil good boy ako, humingi ako ng sorry. Psh, ngayon lang ito.

Patuloy ako sa paghabol ng napansin ko na sa library pala siya papunta.

Tumabi ako sa kanya peri inignor niya lang ako. Patuloy lang siya sa pagbabasa. Kinuha ko ang libro niya at hindi binigay sa kanya.

"That's not what you think" sabi ko pero hindi niya lang ako pinansin, patuloy lang siya sa pagkuha ng bagong libro sa tabi niya pero lahat ng libro na kinukuha niya, kinukuha ko sa kanya.

"Ano ba?!" Sabi niya.

Umalis siya ng library, syempre sinundan ko agad siya.

"Hey" sabi ko habang nakatingin sa kanya at naglalakad patalikod.

"Vivoree, that's not what tou think." Sabi ko ulit.

"I'm not stupid" sabi niya

"Sino ba ang nagsabi na stupid ka. Please, let me explain."

"Nakita ng mga malinaw kong mata ang pangyayari. Kaya umalis ka sa harapan ko." Sabi nya. Ah, pinapaalis mo pala ako haa..

"Pinapaalis mo ang taong mahal mo?" Tanong ko sa kanya pero tinarayan niya lang ako.

"Sino ba ang nagsabing mahal kita?" Talaga bang hindi? Sige maghintay ka..

"Oo. Sinabi ko yun sa kanta."

Lumaki ang mata niya at tinignan ako.

"Mahal kita simula pa nung una
Sana'y mahal mo rin ako."

Paninimula ko ng kanta sa kanya, ngayon sumabay na ang lahat ng estudyante na nakapalibot sa amin.

"Dahil ika'y nagsilbing pag-asa
At naging ilaw sa aking mundo...

Mahal kita simula pa nung una
Sana'y mahal mo rin ako
Dahil ika'y nagsilbing pag-asa
At naging ilaw sa aking mundo.."

Buti na lang tinulungan nila ako. Lumapit ako kay Vivoree, at niyakap ko siya.

"Maniwala ka sa akin, ikaw lang." Sabi ko at niyakap niya rin ako pabalik.

"Ayiieeee.." Sabi ng mga tao sa paligid pero hindi ko na lang sila pinansin.

Hinatid ko na lang si Vivoree sa gym, dahil tuloy pa ang practice niya, excuse siya sa lahat ng subjects niya. Kailangan kasi nilang ipanalo ang school dahil since twelve years na ang nakalipas, bago nanalo ang school sa HipHop Contest na parating ginaganap sa America.

Hindi lang school ang pinaglalaban nila, pati rin ang Pilipinas.

"Wala bang umaaligid sayong mga lalaki jan?" Tanong ko sa kanya bago pumasok ng gym.

Tumawa siya. Ewan ko ba.

"Wala. Ikaw kaya itong inaaligid ng mga babae." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Peace. Joke lang" sabi niya. "Sige, una na ako." Sabi niya at nagwave siya sa akin. Nagwave na lang rin ako sa kanya.

Aalis na sana ako ng nakita ko ang isa sa mga gwapo kong pinsan ang lumapit kay Vivoree.

Lalapitan ko sana si Rio kaso nakita ko lang naman na binigay lang ni Vivoree ang CD.

Umalis na ako sakto nakasalubong ko ang apat na butiki.

"Saan ka galing?" Tanong ni Edward sa akin.

"Hinatid si Vivoree sa gym."

"Kawawa si Elle, ayun naiwan mag-isa."

"Ganun naman diba ang ginawa niya kay Marco noon, iniwan niyang mag-isa."

"Pssh. Ang iingay niyo naman." Ayan nagreklamo na si Mr. Jake. Ang daldal kasi ni Yong at James.

"Sadyang tahimik ka lang kasi Jake" sabi ni Yong sa kanya.

"Psh.." Naglakad mabilis si Jake at niligay ang earphones niya.

"Atleast, napatunayan mo sa akin na, masimportante na si Vivoree kaysa kay Isabelle. Masaya na ako." Sabi niya at tinap ang shoulder ko.

Syempre naman Edward.

"Kasi nga, si Vivoree lang ang mahal ko."

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon