Tumigil sila sa pagbubugbog. Umalis yung mga lalakit at iniwan si Edward na hinang-hina. Pinipilit kong lumapit sa kanya pero hindi ko magawa dahil sa mga tali na nakatali sa kamay at paa ko.

"Ito pa!" Hatak-hatak niya sa buhok si Liezel at tinulak siya papalapit kay Edward. Pati ba naman si Liezel, kailangan niyang idamay?!

Iyak ng iyak si Liezel. Ramdam ko yung takot niya, pati ako nag-aalala sa kanya. Lumapit sa kanya si Edward at himawakan sa ulo.

Lumapit at nagsquad itong bruha sa akin at tinanggal ang tela sa bibig ko. Ngumisi siya at umalis . Pero bago pa siya umalis, sinigawan ko siya.

"Paano mo ito nagawa sa amin Tiffany?!" Kusa ng lumabas ang mga luha ko.

Paano niya yun nagawa? Kaibigan ko siya. Bakit kailangan niya ito gawin sa akin or sa amin? May nagawa ba kaming kasalanan? Hindi ko siya maintindihan.

Sa mga panahon ngayon, kung sino pa yung taong pinagkakati
walaan mo, siya pa yung nagtatraydor sayo.

Kung sino pa yung kaibigan mo, siya pa yung umaahas sayo.

Pero, bakit niya ba ito ginagawa? Gulong-gulo ako ngayon.

"Tss. Nagtanong ka pa!"

"Oo! Nagtatanong ako dahil hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit mo ito kailangan gawin sa amin!" Kita ko ang pagpilit na lapit nila Edward at Liezel sa akin.

"Tss. Kasi nakakainis ka! Nasayo na ang lahat! Ang ganda mo, tapos ang talino mo pa! Lalo na, sayo pa nagkagusto si Marco! Highschool ko pa lang, nakilala ko na ang royals, pero never nila akong napansin! Pero ikaw? Na isang transferee? Napansin agad? Nung una, oo, kaibigan talaga ang turing sayo, pero nang nalaman ko na may pagtingin ka kay Marco at ganun din siya sayo, kailangan ko na putulin ang meron sa inyo at maging kami ni Marco!!" Galit na galit siya.

Kumuha siya ng baseball bat at hinampas sa likod ko.

"Aray!" Sigaw ko.

Hinampas niya muli ako pero ngayon sa tiyan ko. Sumasakit na ang tiyan ko, siguro, dahil sa operasyon ko, pero pinipigilan ko na lang.

Nagulat ako ng tumayo si Edward at pinipigilan si Tiffany.

Lumapit agad si Liezel sa akin at kinuha ang pocket knife sa bulsa ng pants niya. Buti na lang at sobrang tulis ng kutsilyo niya. Natanggal niya agad yung nasa kamay ko. Habang tinatanggal niya yung nasa paa ko, nagulat na lang ako ng hinatak siya agad ni Tiffany papalayo sa akin.

"Bwisit ka ring babae ka!" Dinala niya si Liezel sa isang sulok tapos yung mga lalaki naman, pinagbubugbog nila si Edward.

Sinusubukan kong alisin ang mga tali sa paa ko. Natanggal ko na ang nasa kaliwa kong paa kaso hindi ko pa nakakalas yung nasa kanan kong paa ng hinawakan agad ni Tiffany ang kamay ko ng sobrang higpit.

"Wag ka ng pumilit tumakas dahil mamatay ka rin!" Sigaw niya sa akin at sinampal ako sa mukha ng sobrang lakas.

Sinabunutan niya ako, pero sinabunutan ko na rin siya.

"Pakawalan mo na siya!" Pagkasigaw niya napahiga agad si Tiffany sa sahig. Mukhang nahimatay siya.

Napatingin ako sa humampas kay Tiffany, sii Claire?!

Tinignan ko agad si Liezel, tinutulungan na siya ni Erica samantalang si Edward, tinutulungan ni James at si Jake ang kalaban ng mga lalaki ngayon.

Nilibot ko ang mga mata ko, kung andito si Marco, pero wala siya.

Naalala ko yung sinabi ni Tiffany sa akin, may gusto rin si Marco sa akin?!

"Ok ka lang Vivoree?" Habang tinatanggal niya ang tali ko sa paa.

Nagulat rin ako ng dumating sila Gielyn, at ang ibang mga kaibigan niya kasama ang mga pulis.

"Hindi ako ok Claire. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari." Sabi ko pagkatapos niya tanggalin ang tali ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Lumapit sa amin ang pulis at kinuha si Tiffany. Nagising na rin siya. Pinipilit niya pa rin makawala pero hindi niya magawa.

Lumapit na rin sa akin sila Jake kasama si Liezel at Edward pati na rin sila Gielyn.

Lingon pa rin ako ng lingon sa paligid, baka sakaling andito siya pero mukhang wala talaga siya.

"Sorry." Sabi ni Gielyn at niyakap ako.

Bakit siya nagsosorry?

"Mag-usap tayo kapag maayos ka na." Sabi niya at kumalas sa yakap.

"Bakit hindi natin agad naisip yun? Na si Serine Tiffany Alonzo Rasmund ay si STAR? Kinuha niya sa initials ng name niya." Sabi ni Erica.

Oo nga. Kaya pala ng narinig ko yung name niya, meron sa akin na gustong-gusto kong ulit-ulitin. Yun pala!

"Halika na Ms. Alcantara. Para maipagamot ka na po namin. Pati po kayo, Ms. Santos at Mr. Ford." Tumango kaming tatlo.

Pinauna ko na yung dalawa, dahil lumapit pa ako ngayon kay Rachelle.

"Umuwi ka na muna. Baka hinahanap ka na ni Tita Rita." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Pagkatapos ay naglakad na ulit ako.

Nakalabas na ako ng warehouse. Nakita ko pa rin si Tiffany na nagwawala.

Nagulat na lang kami ng nakakawala siya at kinuha ang baril ng pulis at tinutok sa akin. Kinabahan muli ako. Akala ko tapos na.

"Tulad ng sinabi ko, mamatay ka!!!" Galit niyang sigaw.

BANG!!

Napapikit na lang ako.

Pero, wala akong naramdaman na parang tumama sa akin. Dinilat ko ang mga mata ko. Halos mapanganga ako sa nakita ko.

"Vivoree, sorry" sabi ni Marco at niyakap ako. "I Love You" sabi niya at unti-unti siyang bumibigat. Pumikit ang mga mata niya.

"Marco?! Gising! Tulong!!" Nagpapanic na ako ngayon.

Halos hindi sila makapaniwala sa nangyari, kahit si Tiffany.

"Honey!  Anong nangyari sayo?!" Pasigaw na tanong ni Tiffany. Bigla siya pinasok ng mga pulis sa kotse .

Nagsilapitan na ang sila Yong sa amin.

Pinasok agad si Marco sa kotse ni Jake at sumakay na rin ako.

I love you

I love you

I love you

Habang nasa sasakyan na kami, nakahawak ako ngayon sa kamay ni Marco.

Gising Marco.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon