Tumingin ako sa loob ng CR halos wala namang tao.


Sino si STAR? Ano yun? Babae ba siya? Or lalaki? Or baka pangalan ng grupo? Aissh.

Pinunit ko yung papel at tinapon sa basurahan . Tumakbo ako sa labas at sakto nakita ko si Edward.

"Edward, may pumasok ba sa CR kanina?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kasi pumunta rin ako ng CR kanina. Kakalabas ko lang rin. Bakit? May problema ba?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

"W-wala naman. Tara na?"

Tumango na lang siya at naglakad na ulit kami.

Pumasok na kami sa klase namin nalate na nga kami ng 5 minutes pero hindi yun ang pinoproblema ko, wala pa rin si Marco pati sila Jake.

"Asan ba kayo mokong?" Tanong ko sa sarili ko.

Habang nakatalikod ang teacher namin, kinuha ko ang phone ko at nagtext sa kanya.

To: Mokong
Psst. Asan ka na?

Nakinig ulit ako sa teacher namin. Ilang minutes ang nakalipas, wala pa rin siya. Tinignan ko kung may reply siya ngunit wala.

Natapos na ang klase at hanggang nagyon wala pa rin siya.

"Hatid na kita?" Tanong niya sa akin

Tumango na lang ako.

Papasok na sana ako sa kotse niya ng dunating sila James, Yong at Jake

"Hi Vivoree! Alam mo ba kung nasaan si Marco?" Pambungad ni James sa akin.

Huh? Hindi nila alam kung na saan siya? Eh pare-pareho silang apat na wala kanina ah!

"Hindi ba kayo magkasama kanina? Pare-pareho kayong wala kaninang last subject natin." Sabi ni Edward sa kanila.

Tinignan ko si Jake dahil nakatingin siya sa akin ng seryoso.

"We are finding him that's why we didn't enter to our class" sabi ni Jake at kinuha ang phone sa bulsa niya.

"Pumasok ba siya sa first class niya?" Tanong ko

"Oo. Tapos hindi na namin siya nakita. Wala naman siya sa tambayan. " sabi ni Yong at kinamot ang ulo.

Bakit wala siya? Baka may emergency. Pero parang hindi naman.

Ano kaya ang dahilan? Pero kinakabahan ako. Ang dami ko nang problema ngayon. Sana wag naman siyang dumagdag.

Habang nag-iisip at kinokontak namin si Marco, may dumaan ng grupo ng mga babae.

"Oh, Edward? James? Yong? Jake?"

Napatingin kami sa nagsalita. Tss. Kilala niya pati sila Yong?

"Gielyn? Kailan ka pa bumalik?" Tanong ni Yong at niyakap si Gielyn.

Napatingin ako sa mga iba pang kasama ni Gielyn, puros babae at kasama niya si Rachelle?!

Lalapitan ko sana siya kaso humakbang siya papalayo sa akin. Naintindihan ko ayaw niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at binalik ko na lang ang mata ko kay Gielyn.

"I came here last month." Sabi niya

"Last month?! Why you didn't inform us?" Tanong naman ni James

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon