Naalala ko tuloy yung bata na umiyak noon na binigyan ko ng panyo. Asan na kaya yun?

Napatingin ako sa bench na inuupuan ko, kahoy lang kasi siya at may mga nakaukit na mga pangalan .

Mae loves mama.

Tama ang hinala ko. Ito yung park na yun. Ito yung park na pinuntahan namin ni mama at ako pa yung nagsulat nun. Dahil noong bata ako, mae ang madalas nilang pantawag sa akin. At dito ko nakilala yung batang lalaki.

Hinawakan ko yung sinulat ko sa upuan, namimis ko na naman si mama.

Pinunasan ko yung mga luha ko. At tumingala ako sa langit. Masaya ka na siguro jan mama sa langit noh? Pero alam mo ba, nasasaktan pa rin ako. Dahil mag-isa lang ako ngayon. Wala ka na nag-aalaga sa akin, na tuwing umaga, paggising ko nilulutuan mo ako ng almusal, sa pagpasok ko, inaayos mo yung gamit ko at wala na akong nanay na sasabihin sa MAHAL NA MAHAL KITA ANAK. Ang sakit lang kasi talaga.

"Eto panyo" tinanggap ko yung panyo na binibigay niya sa akin at umupo siya sa tabi ko.

"Salamat." Sabi niya at inabot sa akin ang ice cream, tinanggap ko na lang.

"Naalala ko tuloy noong bata pa ako, meron akong pinsan na super close ko, halos we treat each other as a brother, pero  sa isang iglap, mawawala na lang siya."

Nagtaka tuloy ako. Mawawala?

"What do you mean na mawawala?"

"Namatay siya. May sakit siya sa puso. Matagal na pala niya tinatago yung sakit niya. Ayaw niya sabihin sa dad niya dahil busy siya sa bago niyang pamilya yung mom niya, nasa Macau may bago na rin siyang pamilya, pero sa dad niya siya nakatira." Nagulat na lang ako ng biglang yumuko si Marco at may tulo ng mga luha mula sa kanyang mata na bumabagsak.

"Ako at siya ang naging malapit sa isa't-isa at pangako namin sa isa't-isa, magiging chef kami at magpapatayo kami ng isang restaurant, dapat ang pangalan ay X n' M. Means, Xander and Marco. Pero ngayon, mukhang malabo ng mangyari. Wala na siya at for sure,hindi rin ako magiging chef dahil hindi ako kasing tapang ni ate na pinaglaban ang gusto niya sa harap mismo ni mama at papa."

Tinapik ko yung balikat niya to comfort him.

Pinunanasan niya yung luha niya tapos tinignan ako.

"Alam mo ba ito?" Tanong niya sa akin at pinakita ang kulay aqua na panyo. Yung panyo na hinahanap niya noon sa tent.

Bigla akong kinabahan. Parang nagkaidea ako pero hindi ako sure.

"Yan yung hinahanap mo noon sa tent. Tama ba?"

Tumango siya. "Noong bata ako, nung nagdurusa ako sa pagkamatay ni Xander, andito ako sa inuupuan ko ngayon na umiiyak. Tapos may lumapit na batang babae sa akin, inoffer niya itong panyo. Hindi ko manlang nalaman yung name niya at kung saan siya nakatira. Minsan tinatanong ko sa sarili ko, asan na kaya siya? Gusto ko pa sana ibalik sa kanya ito. Pero all along, may pangalan pala na nakalagay, MAE"

Gusto kong matawa sa mga nangyayari ngayon eh.

"Paano kung nagkita kayo nung babae na yun? Anong gagawin at sasabihin mo sa kanya?" Tanong ko.

"Siguro sasabihin ko na, ako yung bata na binigyan niya nito noon. At ibabalik ko rin ito sa kanya." Sabi niya at tinitigan niya ang panyo.

Sa sobrang saya ko, naubos ko agad yung ice cream ko.

"Paano kung hindi na kayo magkita?"

"Manghihinayang ako." Sagot niya at inubos na rin yung ice cream niya.

"Eh paano kung siya rin, hinahanap ka niya? Masaya ka ba?"

"Syempre naman. I believe that someday, we will meet again. It's just that, I'll just wait for that perfect time."

"Paano naman kung nakilala mo na siya kaso hindi mo lang napansin at ang worst, isa pala siya sa mga napagtripan mo noon?" Bigla siyang napaayos ng upo at napaisip. Natawa na lang ako ng konti sa reaksyon niya.

Ngayon, naniniwala ako na, THERE IS ALWAYS A REASON WHY IT HAPPENED.

Alam ko na kung bakit ako nakapasa ng scholar sa Stanley University, alam ko na kung bakit ako napalapit sa ROYALS, alam ko na kung bakit ako napalapit sa jerk na ito. It because, siya yung bata na matagal ko ng hinahanap.

I can't believe!

"May mga napaalis na akong mga babae sa school noon at may mga babae na rin akong tinaboy, meron pa nga akong babae na nasukaan ko noong fieldtrip namin tapos meron rin akong mga babaeng pinagtripan ko at meron rin akong mga babaeng pinagawan ko ng assignments at projects ko. Sa dami nila, hindi ko alam kung meron ba si Mae dun. " sabi niya at nag-isip muli.

Tss. Marco Stanley, isa ka talagang JERK!

"Ako Marco, isa ako sa mga napagtripan mo." Sabi ko sa kanya at ngumisi sa kanya.

"Yeah I know. And I'm really sorry for that." Tapos nag-isip ulit siya.

Seriously? Sa dami ng mga babaeng yun, maalala niya pa?

"Eh paano kung ---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng pinigilan niya ako.

"Shh. Bakit ang hilig mo sa Paano ngayong araw? Ganyan ba ang epekto ni Edward sayo?" Sabi niya tinignan ako ng seryoso.

"Paano kung katabi mo lang pala siya, paano kung kausap mo na pala siya, paano kung tinitignan ka na niya ngayon?"

"What do you mean?"

"Marco, I am Vivoree"

"I know your name is Vivoree." Sabi niya ginulo ang buhok ko.

"I am Vivoree Mae Alcantara. Yung nanay ko at ang mga tao noon, Mae ang tawag sa akin at mahilig ako sa Aqua color. At maniwala ka, ako yung batang nagbigay sayo ng panyong yan." 

Sa sinabi ko, parang hindi pumapasok pa sa utak ni Marco yung mga pinagsasabi ko, pero di nagtagal, bigla siyang lumapit sa akin at niyakap.

" so its you?!" Niyakap niya pa ako ng sobrang higpit. Akala ko ba kapag nakita niya yubg babaeng yun ang una niyang gagawin eh, ibabalik yung panyo eh bakit niyakap niya ako?

Baliw talaga.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon