"Uhm.. Ah--" hindi ko na pinatapos magsalita si Marco.

"Bati na tayo. Wag mo na lang uulitin yun, kundi kakatayin na talaga kita. Get's mo?" Pagkatapos kong sabihin yun ay agad siyang ngumiti.

"Sabi ko naman eh, papatawarin mo ako." Sabi niya at hinawakan ang balikat ko. "Sorry ulit. At, oo hindi ko na uulitin yun. At tulad nga ng sinabi ko kanina, makababawi rin ako sayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Ehem!" Sabi ni Edward sa kabilang side at tila bang para siya nauubo, kaya agad akong tumakbo papunta sa pwesto niya.

"Ok ka lang?" Tanong ko at hinawakan ang lalamunan niya.

"I'm not fine. " sabi niya at tumayo, "balik na ako ng tent, magpapahinga lang ako." Sabi niya at umalis sakto yun din ang pagbalik ni Jake at umupo sa pwesto niya.

"Magpahinga na rin ako" sabi ni Tiffany at sumunod naman rin sila. Tinignan ko yung oras sa cellphone ko, 8:57 pa naman. Medyo maaga pa pero wala akong magawa, bumalik na rin ako ng tent. Nagulat na lang ako ng andun na pala si Marco.

"Matutulog ka na?" Tanong ko sa kanya na nakahiga na.

Nakatayo pa rin ako sa harap ng tent at parang wala pa akong balak matulog.

"Pagod na ako." Sabi niya. Tumalikod na lang ako at babalik sa pinagpwestuhan namin kanina. Aalis na sana ako ng may humawak sa kamay ko. Nagulat ako ng si Marco pala.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Vivoree, kailan ka huling dinatnan?" Tanong niya sa akin. Huh? Bakit? May balak ba na naman siya sa akin?

Kinabahan tuloy ako.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Binitawan niya ang kamay ko at tumayo sa harap ko. Kinakabahan tuloy ako. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin.

"Hoy, anong ginagawa mo ha?!" Tanong ko sabay atras pero habang umaatras ako ay humahakbang naman siya sa akin papalapit.

Atras ako ng atras at siya naman abante ng abante hangga't sa wala na akong mapagatrasan dahil nakasandal na ako ngayon sa puno.

Dahan-daham niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko hinawakan niya rin ang kamay ko. Hahalikan niya ba ako? May balak ba siya sa akin? Jusko bata pa po kami!

"May dugo sa pants mo. May Red Alert ka ata " bulong niya sa tenga ko at nilayo na niya ang mukha niya sa mukha ko. At tumawa siya. "Hahaha! Akala mo siguro, may gagawin ako sayo noh? Haha!"

Sige pa pagtawanan mo pa ako, mawalan ka na sana ng hininga jan. Maka alis na nga!

Pumunta ako sa tent namin at chineck kung may nadala akong napkin pero wala, naiwan ko sa hotel. Makahingi na nga lang kanila Claire. Kumuha ako ng twalya at nilagay sa bewang ko para hindi nila makita yung dugo sa pants ko.

Pumunta ako sa tent nila Claire at Erica , tulog na si Erica good thing gising pa si Claire.

"Psst. May napkin ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Tignan mo, baka ketchup lang ulit yan," sabi nita at tumawa. Naalala niya siguro yung time na nasa pool area kami at nakikipag-away ako kay Marco.

"Totoo na kasi naamoy ko, medyo malansa" sabi ko at tinapik niya ang balikat ko.

"Pasensya ka na Vivoree, pero tapos na kasi ako dinatnan, last week pa kaya hindi na ako nakapagdala. Hingi ka na lang kay Tiffany or Liezel." Sabi niya kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya.

Papunta na ako sa tent nila Tiffany at Claire ,pero nakita kong papalabas si Marco galing dun. Ano na naman kaya ang ginawa nung mokong na yun?

Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon