"Huy!" Ano ba yan Claire, may sinisilip pa ako eh.

Nagulat na lang ako ng bumukas Yung pintuan ng van nila Marco, nakita ko silang gising na, siguro si Marco ang nanggising sa kanila. Naunang lumabas si Vivoree kasi siya Yung malapit sa pintuan tapos sunod-sunod na sila.

Pumasok kami sa loob ng seven eleven, at lahat ng mata namin, nasa dalawa.

Napatingin sa akin si Marco, at dahil gwapo ako, umiwas ako ng tingin. Hahaha.

Tinignan ko lang si James na kanina pa nagpipigil ng tawa. Lagot ka Kay Marco pagnalaman niya yang pinaggagawa mo.

Bumili na ako ng mga pagkain na makakain ko hanggang sa biyahe. Dii nagtagal, pabalik na kami ng van. Papasok na sana kami ng may pumigil sa amin.

"Anong meron sa mga tingin niyo?!" Luh, galit si Marco. Lagot ka James. Hahaha (evil laugh)

"Ang sw---" hindi na natapos ni Tiffany Yung sasabihin niya dahil tinakpan ni James ang bibig niya. Naku James, masmahahalata ka niyan.

"Ano Tiffany?" Sige pa Marco magtanong ka pa at ng malintikan ka James.

"A-an-ano ka-si eh," dii na naman natapos ni Tiffany Yung sasabihin niya ng may nagsalita.

"Asan si Edward at Vivoree?!" Tanong ni Erica. Inikot namin yung mga tingin namin, pero wala. Asan sila?

Agad na ni labas ni Marco Yung phone niya, siguro para kontakin sila Vivoree pero natigilan siya, tapos tinignan niya ng masama si  James. Patay ka ngayon men!

"Napasa ko pala sayo boss." Sige pa James. Explain pa..

"So, ito pala ang reason kung bakit ganyan kayo makatingin sa amin kanina ni Vivoree." Masungit at hasky na sabi ni leader.

Lumapit si Marco Kay James. Parang may gagawing iba. Lumapit ako Kay James baka sa kaling may gawing iba si Marco, eh andun ako.

Nakakatakot pa namang magalit yang Marco na yan, kahit kaming mga kaibigan niya, dii nakakalagpas sa masungit niyang ugali.

Lumapit siya ng sobrang lapit Kay James.  Sabay bigay ng seryosong tingin.

"Salamat James. Da best ka talaga" tapos ginulo ni Marco Yung buhok ni James ay ngumiti, at nagthumbs up pa. Aba, among nangyari?

Tumingin ako sa kalsada, napatingin ako sa bus na kakadaan lang. Parang familiar sa akin Yung pasahero. What ever kailangan ako dito , kaya binalik ko Yung atensyon ko dito sa dalawang ito.

"N-nagustuhan mo? A-akala ko, m-magagalit ka." Sabi ni James.

"Hahahaha! Ako? Galit? Sayo? Hindi noh! Masyado akong gwapo para magalit sayo. Hahaha!"

"Sira ka talaga Marco!" Sambat naman ni James.

Inopen ulit ni Marco Yung phone niya, akala ko tatawagan niya si Edward or Vivoree para magtanong kung Asan na sila pero Mali pala ako.

Ginawa niyang Wallpaper Yung picture nila ni Vivoree. Tinamaan na talaga itong masungit na ito.

"Nasa biyahe na sila Edward at Vivoree. Nagbus sila papuntang Tagaytay" sabi ng pinakatahimik sa amin. Buti nagsalita ka pa Jake.

"Nasa biyahe na pala sila eh, Tara na! Nagbus,,,, bus?",takang tanong ni James. Wait, bus? Tapos si Edward at Vivoree lang?

"Paano mo naman nalaman ha? Mr. Silencer?" Tanong ni Tiffany kay Jake.

"Kakateks lang sa akin ni Edward. Tara na? Inaantok pa ako." Sabi ni Jake. Tinignan ko si Marco mukhang hindi niya nagugustuhan Yung nangyayari, I feel something bad.

Agad na lumapit si Marco kay Jake at hinawakan ang kwelyo ng damit ni Jake tumakbo naman kami ni James para awatin si Marco.

"Tell me, saan Yung pinakamalapit na bus station dito? Tell me!" Shit, Marco the masungit boy.

"Tsk. Bakit kailangan mo pa akong ganituhin? Nagtatanong ka na nga lang eh." Walang emosyong sabi ni Jake. Kaya binitawan ni Marco Yung kwelyo ng damit ni Jake.

"Nakaalis na ba sila?" Mahinahong tanong ni Marco pero alam ko deep inside, sasabog na yan.

"Nakaalis na sila. Wala na tayong magagawa kundi sumunod na lang." Mahinahong sabi ni Jake at pumasok na siya sa van na sinakyan niya kanina. Hays. Kahit kelan talaga yung mokong na yun. Bumalik na rin kami sa mga van na sinakyan namin. Napatingin ako sa bintana, nakita Kong kausap ni Marco Yung dalawang driver tapos binigyan niya ng pera. Nagulat na lang ako, sumakay ng jeep Yung dalawang driver tapos may nagtext sa phone ko.

From: Pareng Masungit✌✌✌
You drive. Just follow me

Huh? Anong problema nung masungit na yun? Kaya bumaba na ako at pumunta sa driver seat. 
Habang pinapaandar ko Yung sasakyan, nagtext ulit siya.

From: Pareng Sungit
Let's follow that bus.

Anong let's follow that bus?

Wag niyang sabihin,,,,

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon