Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur

Magsimula sa umpisa
                                    

"Makulit ako? So, makikipag-break ka na kasi makulit ako?" biro ko sa mataray na tono.

Marahan siyang umiling. "Sorry to disappoint you but I'm not. I'm here to stay."

Matagal ko siyang tinitigan. "Panindigan mo 'yan, Robert Aldus," there was an underlying message in my words.

"Kaya ko," seryoso niyang sagot. "At gagawin ko."

Napangiti ako. At nanggigigil na kinurot siya sa magkabilang-pisngi. "Cute mo."

He laughed quietly.

"Okay, sige, para fair, sabay na lang tayo. Papasok ako habang naglalakad ka na palayo," ani ko.

The corner of his lips lifted lopsidedly. "Fair enough."

Minuwestra ko sa daliri ko na tumalikod na siya. Humarap ako sa pinto at hinawakan ang door knob. Nakakailang hakbang na siya nang tawagin niya ako.

"Gracie!"

Tumingin ako sa kanya. "What?!"

He smiled. "Happy birthday!"

"Thank you!"

Pagkatapos ay tumalikod ulit siya at lumakad palayo. Ako naman ay akmang bubuksan ko na ang pinto nang humarap siya at tinawag muli ang pangalan ko.

"Gracie!" malakas niyang tawag. May mahigit dalawang metro na ang layo niya sa akin.

I rolled my eyeballs. "What again, Aldus?!" Nage-echo sa hallway ang mga boses namin.

Even from a distance, I could still feel his dreamy eyes directed towards mine. Napasuklay siya sa buhok. Then he put his hands on his backpocket. "Nasabi ko na ba sa 'yo na mahal kita?!"

Nanlaki ang mga mata ko. Narinig ko iyon. Klarong-klaro.

Nasabi ko na ba sa 'yo na mahal kita?

Shit. Shit. Shit.

"Ano?! Lumapit ka nga kasi rito!" utos ko habang ang puso ko ay parang lalabas na sa dibdib ko sa lakas ng kabog.

Dahan-dahan ay lumakad palapit sa akin si Bobby. Slowly, as if taking all the time in the world. My heart was pounding in my ears. Nag-iwan lang siya ng konting distansya sa pagitan namin nang makalapit siya. His towering height almost suffocating me. I could inhale his scent. Manly scent.

He swallowed. Oh, shit. That adam's apple was so manly.

And his dreamy eyes were peering down into mine. "Nasabi ko na ba sa 'yo na mahal kita, Gracie?" buong lambing niyang tanong. "Nasabi ko na ba sa 'yo na gusto kitang alagaan at protektahan?"

Napahawak ako sa parte ng gitna ng leeg ko at dibdib ko. Parang nahihirapan akong huminga dahil sa sinabi niya.

Parang gusto kong mahimatay.

Don't, Ash. Hindi mo na maririnig ang sasabihin ni Robert Aldus mo kapag hinimatay ka.

I sucked in breath and cleared my throat. "H-hin-" I cleared my throat again. Para kasing walang lumalabas na boses sa bibig ko. "Hindi. Hindi pa," parang tuliro kong sagot habang nakatitig kay Bobby.

His lips formed in a lopsided cute smile. "Kung gan'un sasabihin ko. Mahal kita, Gracie. At gusto kong alagaan ka at protektahan ka." He pinched my nose the Robert Aldus way. "And I want to take care of you and protect you not because you need those but because I wanted to. And I wanted to because I love you. I want not just to tell you-" Natawa siya ng mahina at napailing. "Because I told you I am not good with words-but to show you how much I do. Really, really do."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon