Special Chapter 33 : Physical Injury

6.6K 273 274
                                    

ASHLEY

PATI ITO?” NANDIDILAT ang mga matang sabi ko at ipinakita kay Dezi ang isang picture na p-in-ost ni Patty.

Selfie nila ni Robert Aldus sa sasakyan ni Bobby. Nakahawak si Bobby sa manibela at nasa passenger seat si Patty. It looked like silang dalawa lang ni Patty sa loob ng sasakyan.

Parang gusto ko na talagang manggiyera ng boyfriend.

At manabunot ng malanding babaeng umaaligid sa boyfriend ko!

Dezi wrinkled her nose. “I don’t know what to comment anymore,” said said, shrugging her shoulders. “Lahat na lang yata ng pictures with your Bobby na-send na n’ya sa GC namin. Sobrang faney. And to think, that she keeps on telling us na si…” She looked upward and frowned then looked at me, still trying to think the name. “What’s his name? The famous NUAP basketball player from HFU? He’s her number one crush daw?” Napahipo siya sa noo. “Oh, gosh. I can’t remember--“

“Jacob Maravilla,” I supplied.

Nanlaki ang mga mata niya at natutuwang pinagsalikop pa ang mga palad. “Yeah! That’s his name.” Pa-cute siyang ngumiti. “Sorry, I’m not into--“

“Basketball,” mabilis kong sabi. “Kasi si Rome lang, sapat na sa ‘yo.”

She smiled and gave me her beautiful eyes version.

I rolled my eyeballs. “Arte-arte,” kunwari ay naiinis kong komento pero nakangiti naman. “Landi-landi…”

Dezi just giggled and playfully rested her head on my shoulder. “Kay Rome lang…” pag-amin niya.

Natutuwa akong kasama ko si Dezi ngayon. Nadi-distract ako ng kaartehan niya. Kung hindi siya ganito, malamang ay kanina pa sumambulat ang galit ko sa mga nalaman ko tungkol sa mga pinaggagagawa ni Patty.

Kay Bobby ko. At laban sa akin.

Pagkatapos ay muling umayos ng upo si Dezi. “So, going back, Patty keeps on denying that she’s not attracted to your Bobby. Kasi, several of our classmates are making her tukso to your Bobby. And, she would always deny that. Like, it’s Jacob Maravilla daw that she has a crush on and not your Bobby. Like, ugghh…” She rolled her eyeballs. “Who would believe her? Ayan at puro your Bobby ang p-in-post n’ya sa GC namin and not even a single picture of Jacob Maravilla? Sinong niloloko niya? Sarili niya? Hay, naku!”

I gritted my teeth. Tumingin ako sa relo ko.

Sakto ang magiging dating namin sa HFU med school kapag umalis kami rito thirty minutes later.

I could not take it anymore.

This madness of Patty Rivera has to stop!

“Eat,” sabi ko kay Dezi. “Ubusin mo ‘yang food mo at uubusin ko ang food ko. Kailangan nating magpalakas.”

“Why?”

“May susugurin tayo sa HFU med school.”

“Oh, no!” nandidilat ang mga matang sabi ni Dezi. Maarte pa niyang inilagay ang palad sa dibdib. “Including me?” Her fear was real.

“Huwag mong sabihing naduduwag ka?” mataray kong tanong, challenging her.

She pouted her lips exaggeratedly. “But I am really duwag…”

Mataman akong tumingin sa kanya. “Naduduwag ka kahit nasa tama ka?” seryoso kong tanong.

Ayoko ng gulo,” she admitted. “ Ayokong binibigyan ng problema ang mga parents ko. They’re old na and I don’t want to give them something to be stressed about. Na-stress nga sila ng slight sa ginawa ko sa ‘yo. Ayoko nang maulit iyon.”

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon