Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall

31.4K 637 106
                                    

ASHLEY

PAHINGI PA!" SABI ko kay Bobby pagkatapos ay dumukot ako sa hawak niyang large fries. Nasa parking lot pa rin kami ng convenience store. Taking a trip down memory lane.

Kumakain kami ng fries habang nakasandal sa gilid ng sasakyan niya. Pero bago pa ako makadukot ay naiiwas na niya sa akin ang hawak.

"Ayoko nga," aniyang natatawa.

Sinundan ko ang hawak niya at nagpupumilit na makakuha. Pero dahil matangkad at basketball player siya ay nagawa niyang maiwas sa akin ang fries na parang bola sa basketball na iniiwas sa kalaban.

Itinaas niya ang fries na hawak at humarap ako sa kanya habang tumatalun-talon. Aware ako na nagdidikit ang harapan namin, my boobs pressing against his chest whenever I jump.

"Ang damot mo," naka-pout ang lips kong sabi.

"Inubos mo na 'yung sa 'yo. In fact, nakadalawang large fries ka na. Tapos kukunin mo pa ang sa 'kin."

Para kaming mga bata sa mga inaakto namin. Alam ko namang inaasar lang ako ni Bobby kaya ayaw niyang mamigay.

"Damot!" sigaw ko. I crossed my arms over my chest at parang batang nagmamaktol na nag-pout ng lips.

Bobby chuckled at my reaction. "Ang arte mo talaga," aniya sabay abot ng fries sa harapan ko. "O, 'eto na."

Napangiti ako hanggang sa magliwanag ang mukha ko sa tuwa. Nakuha ko si Bobby sa pag-arte-arte ko.

Kumuha ako ng isang piraso ng fries at isinubo ko iyon ng mabilis sa bibig ko. "Hmmm..." I mumbled then closed my eyes. French fries meant heaven for me.

Pagdilat ko ay masuyong nakatingin si Bobby sa akin. Patagilid siyang nakasandal sa sasakyan habang hawak ang lalagyan ng fries.

"Ang takaw mo sa fries," nakangiting komento niya na hindi inaalis ang tingin sa akin.

Kahit na nang kumuha siya ng isang piraso ng fries at isinubo iyon ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin.

Madalas niyang gawin iyon. Iyong kapag nagkakatitigan kami tapos may gagawin siya pero hindi niya ibi-break ang eye contact namin. Ang cute lang niya kapag ganoon. And it would always make my heart jump.

"I looovee fries," maarte kong sabi. "Minsan nakakaubos ako ng isang malaking bucket ng Patatas Side-in one sitting," pagmamalaki ko. "Fries is my comfort food."

Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo at nagtapos sa mga mata ko. "Saan mo dinadala ang mga kinakain mong fries? Hindi ka naman tumataba. You're sexy."

I pursed my lips para itago ang kilig na nararamdaman ko. Pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay habang pigil ang ngiti.

"No joke. You're so sexy, in my opinion."

Oh, fuck shit. Pinata-tumbling ni Bobby ang puso ko.

"Well..." mayabang kong sabi. I even flipped my hair and rolled my eyeballs. Kumuha ulit ako ng fries at isinubo iyon.

"Takaw," he said. But there was fondnes when he said that, never breaking the eye contact. There was a smile in his lips na para bang naaliw siyang pinagmamasdan ako.

"Alam mo kung saan ko dinadala ang mga kinakain kong fries?"

"Saan?" tanong niya. Dinala niya ang hinlalaki sa gilid ng bibig ko at masuyong pinahid ang kung anumang meron doon.

Isang pilyang ngiti ang lumabas sa labi ko. I felt playful...and a little naughty. "Sa boobs ko. Baka sakaling lumaki at maging cup 36B na ako," biro ko na maski ako ay natawa ng mahina sa birong iyon.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon