Chapter 3 : Stalking Kate

33.4K 747 118
                                    

ASHLEY

"WE WILL STALK Kate and I'll help you win her back."

"What the hell?!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Bobby.

"You heard me," kaswal kong sabi. Ni hindi ko pinansin ang panlalaki ng mga mata niya.

"I told you, I am not stalking Kate," mariing sabi ni Bobby.

Sinimangutan ko siya. "You are not but I am," matigas kong sabi sabay turo sa sarili ko. I put on my best bitch-face. "Sige ka, baka imbes na si Kate ang i-stalk ko, si Miranda ang maisipan kong i-stalk." I smirked. "At hindi mo hahayaan 'yun 'di ba? So sasama ka sa akin ngayon."

"Ashley-" he said exasperatedly.

Napatingin ako sa kinauupuan nina Kate at Zeke. Mukhang paalis na sila at kailangan na namin silang maabutan sa exit para masundan.

Hinawakan ko si Bobby sa kamay. "'Wag ka na ngang maarte, Bobby Gallego. Halika na," sabi ko at hinila na siya.

MAGKAHAWAK-KAMAY SINA KATE at ang boyfriend niyang mukhang lead vocalist ng isang bandang walang kwenta ang mga kanta. Parang sarili lang nilang dalawa ang mundo. Walang pakialam sa mga tao sa paligid nila at malagkit pa ang tinginan nila sa isa't-isa.

Nakasunod kaming dalawa ni Bobby sa kanila at a distance. Bobby was quiet. Nakatingin lang kina Kate at Zeke.

I did not know if it was just a coincidence or what pero nagulat ako nang mapansin kong tumapat sila sa naka-park na bagum-bagong SUV malapit sa pinagparadahan ko ng kotse ko.

"Is that Kate's car?" I asked.

"No. Zeke's," matipid na sagot ni Bobby.

Nasa isang lane ang SUV ni Zeke samantalang ang kotse ko ay nasa kabilang lane. Pero kitang-kita namin ang paglalampungan nila habang nakasandal si Kate sa driver's door at nakaharap si Zeke sa kanya. I saw Bobby clenched his jaw.

And when Zeke was about to quick-kiss Kate on the lips, pasimple kong binitiwan ang bag ko para sana pulutin ni Bobby.

God, I dropped my Hermes bag just so Bobby will not see that stupid kissing between Kate and her stupid boyfriend.

Pero bago pa sumayad ang bag ko sa lapag ay nasalo na iyon ni Bobby.

He was smirking when he handed me my bag. The kind of smirk that was full of sarcasm. "Don't try to distract me anymore, Gracie. I saw it."

He meant the smooching.

Napatingin ako sa direksyon nina Kate at Zeke. They were laughing. Pagkatapos ay pinalo ni Zeke sa puwitan si Kate bago ito sumakay sa driver's seat at si Kate naman ay lumipat sa kabila.

Fuck that guy! Ni hindi man lang pinagbuksan si Kate ng pinto ng sasakyan. I was sure Bobby would not do that to Kate. Hindi ganoong klaseng lalaki si Bobby.

And Kate was acting differently from the Kate I have known. As in one hundred eighty degree turn. Mahinhin at pinong kumilos si Kate. Sa ilang taong pagkaka-witness ko sa relasyon nila ni Bobby, they did not engage in smooching in public. Laging magkahawak-kamay lang at malalagkit ang tinginan. But they did not do so much public display of affection. Unlike now with Zeke.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Bobby. He was also looking at the now moving SUV of Zeke. Paalis na sila.

"Give me your car keys, Gracie. I'll drive," sabi ni Bobby habang nakalahad ang palad niya.

Napagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Bobby at sa nakalahad niyang palad. His expression was stern.

Kumunot ang noo ko. My car was just a month-old and I would never let anyone drive it.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon