Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help

8.5K 381 398
                                    

Belated happy 19th birthday to @Jhey_C (April 26) and happy birthday today (April 28) kay @Nagum_28
Ang dami nating April babies 😍
May God bless you even more! ❤ -- Dyosa

**************************
ASHLEY

"NAGKATAON NAMANG PAPUNTA rin ako sa kitchen. Doon ko nakitang may inihalo siyang white substance sa kapeng tinimpla niya para sa ‘yo. Bigla siyang nataranta nang makita niya ako. Nag-alibi akong kukuha lang ako ng water. She then went straight to you and offered you that cup of coffee,” patuloy na pagkukuwento ni Becca.

“’Tang ina!” I muttered. Wala na akong pakialam kahit ano pa ang sabihin ni Becca sa pagmumura ko.

Bobby’s eyebrows were furrowed. Naalala na siguro niya ang eksenang iyon.

Becca directed her eyes to Bobby. “Nagkunwari akong walang nakita. I casually walked back to the sala to warn you. Kaso nakabantay siya, making sure you will drink the coffee. I just warned you with my eyes. Pinandidilatan kita na huwag mong inumin. Pero hindi mo nasakyan ang gusto kong ipahiwatig.”

Pinandilatan ko si Bobby. “Ang dense mo!”

Napakamot sa likod ng ulo si Bobby. “Sorang pagod at inaantok na kasi ako. Hinihintay lang kita.”

“So, para hind mahalata ni Patty na alam ko ang ginawa niya,” Becca continued. “Binantayan kita.” Natawa siya nang mahina. “Kahit na inaantok na rin ako, binantayan kita. I kept myself awake for you. Pero tinalo na rin ako ng antok eventually. Nagising na lang ako nang makita kong pabalik na si Patty galing sa labas at nanginginig sa galit. Nagdadabog na siya. Nagising na rin sina Francis at Donald. Pero ikaw, malalim na talaga ang tulog mo. You were already in the dreamland.” Sinundan niya ng ngiti ang sinabi.

Pa’no, drinoga,” I commented, rolling my eyeballs.

Malilintikan ang Patty na iyan sa akin. Akala niya ay siya lang ang may hawak ng alas.

“I asked Patty kung sino ang kausap niya sa labas. She just said…” Becca stopped in mid-sentence, debating whether to say the words or not.
Napailing siya at bumuntong-hininga. “She just said that it was nothing. Just ‘isang ipis lang na madaling apakan…’”

“Fuck shit!” mura ko.

“Pucha talaga…” Bobby muttered angrily.

“I just shrugged it off. I did not know that it has double meaning and it was meant for somebody.” Her apologetic eyes met mine. “I’m sorry. I had no idea na nasa labas ka that time. Nakatulog din ako. Had I known--“

Itinaas ko ang isang kamay ko para patigilin siya. “It was not your fault, Becca. Naiintindihan ko. It was just between me and Patty. And it is until now. Hindi pa kami tapos,” matapang at palaban kong sabi.

Ipapakita ko kay Patty kung sino ang ipis na madaling tapakan ngayon.

And it was definitely not me.
Definitely not the Ashley Grace F. Lim. No. No, fucking way.

“Hindi na rin ako natulog pagkatapos. Binantayan na talaga kita. At wala naman siyang ginawang kakaiba. She just took selfies. Selfies n’yo nina Francis at Donald habang natutulog. And us, na gising.”

Napahilamos sa mukha si Bobby. I knew he was feeling irritated and frustrated. But him, being Bobby, he managed to stay calm.

“Why would she resort to that? I mean, bakit kailangang lagyan niya ng pampatulog ang kape ko?” Bobby asked.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon