Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise

33.6K 677 54
                                    

ASHLEY

"BAKIT PARANG TAYO lang yata ang tao rito?" tanong ko kay Bobby habang nililibot ko ng tingin ang buong paligid ng Carnival Town, isang malaki at sikat na indoor at outdoor amusement park sa Metro Manila.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa paligid. Bukas naman ang buong amusement park. Ang carousel ay marahang umiikot, patunay lamang na may nago-operate. Ganoon din sa mga booths na merong nakatao.

Pero kaming dalawa lang parokyano sa loob. As in kami lang.

"Tayo nga lang," sagot ni Bobby, habang nakangiti at hawak ako sa kamay.

Kunot-noong tumingin ako sa kanya. Pagkatapos ay tumingin akong muli sa paligid namin. It was a Monday. At kahit weekday, sigurado akong may parokyano pa rin ang amusement park.

Bobby smiley grinned. Hinawakan niya ang magkabilang-kamay ko. "Happy monthsary, Gracie," malambing niyang sabi sa akin habang magkaharap kami. Sa background namin ay ang mailaw na carousel na mabagal na umiikot.

Napanganga ako. He remembered.

Natatandaan ni Bobby na isang buwan na ang nakakalipas simula nang i-offer ko ang sarili ko sa kanya para sa kunwariang relasyon. 'Tang 'na. Happiness filled my heart. Kakaibang kasiyahan.

Napakamot sa batok si Bobby at alanganing ngumiti. "You forgot..." may lungkot sa boses na sabi niya.

"No!" mabilis kong sabi. "Of course not. Naalala ko."

Pwede ko bang makalimutan ang isa sa mga kagagahan ko? Iyong i-offer ko ang sarili ko kay Bobby para maging rebound niya kay Kate kahit na kunwarian lang? Dahil lang tinopak ako noong madaling araw na iyon ng birthday niya? Siyempre hindi!

Biglang nagliwanag ang mukha ni Bobby.

Ngumiti ako. "Happy monthsary, Aldus." Tumaas ang isang kilay ko. "Akalain mo, naka-isang buwan na tayo?" I joked.

He chuckled. "One month and counting. And this is my monthsary surprise for you."

I bit my lower lip. "One month-" I trailed off.

Hindi ko maituloy ang salitang counting. Kaya ko pa ba? Kaya ko pa bang mag-pretend na hindi ako umaasam na sana ay totoo na lang ang lahat?

Because I was already falling in love with this sweet guy. With his dreamy eyes and smiley grin.

Hindi ko alam kung paano nangyari. Basta nararamdaman ko na lang na masaya ako kapag kasama siya. Mas masaya pa kesa sa nararamdaman ko sa tuwing nakikita at nakakausap ko si Jacob Maravilla.

At alam kong sa pagiging brokenhearted ang tuloy ko kapag hindi ko itinigil ang kalokohang ito.

Ngayon ko pa naman sana balak na makipag-break na kay Bobby. Kung tama nga bang tawaging break up pa rin para sa kunwariang relasyon na meron kami.

Ngayon sana. Pero magagawa ko ba gayong naalala niyang monthsary namin ngayon?

Bihira sa lalaki ang nakakaalala sa monthsary. Wala ni isa sa mga ex-boyfriends ko ang nakaalala ng monthsary namin. Kaya tumigil na rin ako sa pag-alala at pagi-expect na maalala nila.

But with Bobby? 'Tang 'na naman. Bakit kailangang maalala pa ni Bobby? Sana hindi na lang. Para mas magiging madali sana ang makipag-break sa kanya.

I sighed. I looked at his dreamy eyes. Hindi pa rin niya inihihiwalay ang tingin sa akin. "I have never forgotten, Aldus." Pagkatapos ay masuyo ko siyang hinipo sa pisngi. "And I assume, you pulled some strings again? Para lang masolo natin ang amusement park na 'to?"

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon