Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past

15.5K 330 155
                                    

BOBBY

NAPUTOL ANG PAG-IISIP ko nang marinig naming umuungol si Kate.

Agad kaming napatayo ni Tita Elvie. Lumapit kaming lahat sa hospital bed niya.

Waiting for her to open her eyes.

And she did.

Then she looked at me and met her gaze.

"Oh, God, Bobby, you're here... You're here, my Bubba... You came for me..." ani Kate sa halos nanghihinang tinig.

My Bubba.

That was Kate's endearment for me.
Narinig kasi niyang iyon ang tawag sa akin ng mga pamangkin ko at na-cute-an siya kaya iyon na rin ang naging tawag niya sa akin.

For months, hindi ko iyon narinig dahil naghiwalay na kami. Ngayon na lang ulit.

And then memories flooded my mind.

"WHERE ARE YOU?" I asked Jacob.

I was at the parking lot waiting for him. Nakasandal ako sa kulay dilaw niyang Hummer.

Nasa casa kasi ang kotse ko dahil naatrasan ito ng isang SUV sa isang mall. Tatlong araw akong walang kotse kaya nagboluntaryo si Cobi na siya na ang maghahatid at sundo sa akin maski na meron naman akong ibang kotseng pwedeng gamitin sa bahay.

I agreed because it was sort of bonding time for us. 

Iyon nga lang kailangan ko pa siyang hintayin maski gusto ko ng umuwi at siya ay may gusto pang abangan.

"Fifteen minutes, bro..." sagot ni Jacob. "Lalabas na siya sa klase niya in five minutes."

I sighed. Pero hindi ko maiwasang mapangiti. Jacob had been stalking Miranda since he met her.

Subtle stalking.

Dahil hindi iyon ipinahahalata ni Jacob because Miranda was friends with Cobi's arch rival, Student Council President Lucas Agoncillo.

Kaya ang madalas gawin ng best friend ko sa crush niyang si Miranda ay gumawa ng mga "aksidenteng" pagkikita.

Tulad ngayon. Kunwari ay nasa area si Cobi na sakto sa paglabas ni Miranda mula sa klase. Just to see her and smile at her or say hello to her.

Tapos, tapos na. Masaya na si Cobi roon.

Fifteen minutes, ang sabi ko sa sarili ko.

I would have to kill fifteen fucking more minutes. I cannot get in the car dahil na kay Cobi ang susi.

Hawak ko ang private cellphone ko nang tumunog ang isa ko pang cellphone. It was my cellphone number that I usually give out to friends, acquaintances and the school for their record.

My private number was for intimate families and friends only.

Hello...

It was from an unknown number.

Hindi ko pinansin ang text message. Sanay na akong makatanggap ng mga text messages from unknown numbers. "General patronage" nga itong natanggap ko. Iyong iba ay "Parental Guidance" dahil sa pagiging obscene at explicit.

Halos lahat kaming miyembro ng HFU Roaring Lions Basketball team ay nakakatanggap ng mga text messages sa mga hindi kilalang numero.

Karamihan ay mga babaeng humahanga.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon