Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face

16.1K 369 144
                                    

Hello to zairah_may 😊
Robert Aldus and Ashley Grace say thanks for the support ❤ -- Dyosa

**********************************
ASHLEY

NANG KUMATOK SI Bobby at buksan ang pinto ay bumungad sa amin ang tatlong pigura ng pamilya ni Kate.

Ang pigura ng daddy niya. Ng Kuya Kelvin niya.

At ng Mommy niya.

Gusto ko nang umalis at magtatakbo at ibaon na lang sa limot ang lahat.

Pati na ang pagso-sorry ko.

Ang lakas-lakas kasi ng pagtambol ng dibdib ko. Pakiramdam ko, anumang segundo ay biglang lalabas na lang sa dibdib ko ang puso.

Nakakabingi ang pagtambol ng dibdib ko.

Nanlalamig ang mga kamay ko.

Lalo pa nang magtama ang paningin namin ni Tita Elvie.

Paano mo ba pakikiharapan ang nanay ng ex-girlfriend ng boyfriend mo?

It was awkward. Really.

Lalo pa at may nagawa at nasabi akong hindi maganda sa kanya.

Nilakasan ko ang loob ko at sinalubong ang tingin ni Tita Elvie.

Matipid akong ngumiti sa kanya. Matipid din siyang ngumiti sa akin.

Pero wala akong makitang galit sa mga mata niya. Ni isang saglit na pagdaan ng rehistro ng galit sa mga mata niya ay wala akong nakita.

Parang gusto ko ng maniwala kay Aldus na mabait si Tita Elvie.

Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Bobby sa kamay kong nanlalamig na kanina pa niya hindi binibitiwan.

Pagkatapos ay dahan-dahan kaming lumapit sa tatlo.

“Hi, Tito Dindo... Kuya Kelvin. Si Ashley, girlfriend ko....” pakilala sa akin ni Bobby sa kuya at daddy ni Kate.

Shit. Paano ko ba pakikiharapan ang kuya at daddy ni Kate? Ano ang dapat kong sabihin?

But my apprehensions were gone the moment Tito Dindo smiled at me. Matipid na matipid lang. Pati na rin si Kuya Kelvin.

But still, it was a welcoming smile. They were ready to see me.

“Hi po,” ang tanging nasabi ko. Ni hindi ko magawang lumakad para magmano kay Tito Dindo.

Naramdaman ko ang muling pagpisil ni Bobby sa kamay ko. He was not letting go of my hand. Na para bang may power generator siya at doon ko kinukuha ang lakas ko.

Pagkatapos ay iniharap ako ni Bobby kay Tita Elvie na nakaupo sa kama.

She looked so fragile up close and personal.

So haggard.

Halata talagang may pinagdadaanang problema.

And I felt so guilty.

Lahat ng nanay, sila ang siguradong unang namomroblema kapag may problema ang anak nila.

Si Mommy ko lang naman ang hindi.

Stop being bitter, Ash, paalala ko sa sarili ko.

“Si Tita Elvie... Tita Elvie, si Ashley, ang girlfriend ko.”

I saw sadness crossed Tita Elvie’s eyes for a very fleeting moment when Bobby introduced me to Tita Elvie as his girlfriend.

It was really awkward. Anak nga naman niya dati ang girlfriend ni Bobby.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon