Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino

22K 514 358
                                    

Happy new year everyone. Hugs and kisses! 😘 - from Aldus & Gracie

**********************************
Happy new year! Let's all welcome the year 2018 with happiness and gratefulness in our heart.
Ang bagong taon ay isang bagong kabanata sa libro ng buhay natin. Tayo ang magsusulat ng chapter na ito dahil tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. We all have that power. God gave it to us.
Be always kind, grateful and compassionate. Do not ever forget to say 'please', 'sorry' and 'thank you' in your everyday living. It doesn't cost a thing but it means so much doon sa makaka-receive.
A new year is also an opportunity to change for a better version of ourselves. A new year also brings us a lot of opportunities. Seize every moment of it. Do whatever makes you happy as long as wala kayong naaapakan o nasasaktang iba.
And always embrace the gift of life. It is a precious gift from God. Huwag na huwag tayong susuko sa hamon ng buhay. Always keep the good and positive vibes.
Happy new year! I love you all! #HugKoKayoSakaKissKoKayo ❤ -- Dyosa

**********************************
ASHLEY

"AWESOME, GALLEGO... BRAVO..."

It was Akki Eliseo.

At the balcony of their cottage. Slow clapping.

Wearing his handsome smirk.

His fascinating gray eyes pinning Bobby's dreamy eyes.

"Pucha!" mariing bulalas ni Bobby nang makita si Akki. Literal na nandilat ang mga mata. Pagkatapos ay agad na nagsalubong ang mga kilay.

"What the fuck?!" Si Jacob habang salubong ang mga kilay.

"Damn!"

"Punyemas!"

"Fucking hell!"

Parang hindi naman natinag si Akki. Nakangisi lang siya na parang nang-aasar. It made his gray eyes twinkle.

He looked so amused at the reactions of the five. Prenteng nakapatong ang mga braso niya sa railings ng balkonahe na parang kaswal na pinagmamasdan ang magandang view.

"Wait a fucking minute, where is my Miranda? Where is my baby?" nagpa-panic na tanong ni Cobi nang makitang walang Miranda na lumilitaw.

Parang biglang natakot na narito si Akki pero wala ang kanyang baby.

"I'm here! Present!" Miranda shrieked in her charming voice.

Napalingon kaming lahat sa kanya.

Nasa balkonahe siya. Para pa siyang estudyanteng excited na makapag-recite habang nakataas ang isang kamay.

Nagliwanag ang buong mukha ni Miranda nang magtama ang mga mata nila ni Cobi. Ganoon palagi ang reaksyon niya sa tuwing nakikita si Cobi.

Parang Christmas tree na inilawan na biglang magliliwanag. Cobi's face on the other hand showed relief. Tila nakahinga siya nang maluwag.

Pagkatapos ay patakbo nilang nilapitan ang isa't-isa.

Like in a teeny bopper movie.

Nakatingin lang kaming lahat sa kanilang dalawa. Parang isang commercial break sa pinanonood naming intense na teleserye.

Nang magkaharap sina Cobi at Mira, they both stopped and just looked at each other.

Like making up for the lost moment na hindi sila nagkita o nakapag-usap maski na magdamag lang naman ang lumipas.

"Hi, baby..." puno ng lambing na sabi ni Cobi pagkatapos ng ilang segundong pagtititigan nila.

Miranda smiled. "Hello, Mister Maravilla..."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon