Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty

8.9K 243 115
                                    

Hi to Miss Reynalyn Requito. Thanks for loving Aldus and Gracie. This one is for you ❤ -- Dyosa

*******************************
ASHLEY

ANO?! PAKIULIT NGA! Parang nabingi ako r’on, ah,” salubong ang kilay na sabi ko when I even clearly heard what Bobby said.

Gusto ko lang makasigurado kung.tama ba talaga ang narinig ko.

Ipinarada ni Bobby ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa loob na kami ng Valle Verde para sa lunch kasama ang buo niyang pamilya. Kumpleto ang lahat at bihirang mangyari ito sa pamilya Gallego kaya sinasamantala nila.

“Sabi ko, okay lang ba na bumili ng condo unit malapit sa campus? Sa tingin mo?”

Tama nga ang narinig ko. Balak niyang bumili ng condo unit malapit sa campus.

Inilabas ni Bobby ang leaflet ng isang katatayong condo ng isang kilala at malaking developer na pag-aari ng pamilya nina Andrew Rufino at iniabot sa akin. It was a high-rise condo unit.

“Bakit naman bigla ay naisip mong bumili ng condo unit?” I asked matapos akong mag-angat ng tingin mula sa leaflet patungo sa mukha niya.

He let out a sigh. “Actually, ideya ito nina Patty--“

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. “Nino?” mataray kong tanong.

Marinig ko lang ang pangalang ‘Patty’ ay na-a-allergy na ako.
Ewan ko ba? Wala naman siyang ginawang hindi kanais-nais maliban doon sa text message na puro crying emojis noong isang linggo. Pero tumatak iyon sa utak ko. Hindi ko lang feel ang pangalan niya. O pati iyong may-ari ng pangalan.

“Nina Patty, Becca at Wesley, my classmates,” buong pasensyang sabi ni Bobby. “They’re planning to buy each for them since meron pang bakanteng units sa condo. They suggested that I do, too. It’s only practical and time saving since hindi na ako bibiyahe pa araw-araw pagpasok sa campus at pauwi. Nakakaubos din kasi ng oras ang byahe papunta at pauwi dahil sa traffic gayong pwede kong gamitin ang matitipid na oras sa pagtulog at sa pag-aaral. And it’s also a good investment. In two or years time ay magmamahal na ang value ng units,” paliwanag niya.

I crossed my arms over my chest and narrowed my eyes on him. “They suggested or she suggested?” I asked, giving emphasis to the word ‘she’.

Kahit na hindi ko pa siya nakikilala ng personal ay kakaiba na ang pakiramdam ko sa Patty na iyon. Parang adelantada at pakialamera.

Kahit na sabihin pang si Ryan Torres ang ultimate crush niya sa Roaring Lions dati, still, hindi ko na siya ngayon pa lang.

“It’s their idea but it was Patty who told it to me,” kaswal na sabi ni Bobby. “Si Patty kasi ang madalas kong kasama dahil lagi kaming magka-group. Halos lahat kasi ng mga kaklase namin ay nasa malapit lang nakatira. Either in a dormitory o kalapit na condo rin.”

Hindi ako kumibo.

Malambing niyang hinalikan ang balikat ko. “May bearing ba kung ‘they’ o ‘she’?” He looked in my eyes.

“Yes. Mas okay ang ‘they’ kaysa sa ‘she’,” matapat kong sagot kahit na gumugulo pa rin sa isipan ko si Patty.

“Is it still about the crying emojis text message from Patty?”

“Yes.”

“Gracie...“

“Feeling ko may gusto s’ya sa ‘yo, Robert Aldus.”

Napangiti siya at sinuklay-suklay ang buhok sa rearview mirror. Then he directed his sexy dreamy eyes at me. “Ako na ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa. Lahat na lang may crush sa akin,” he joked. “Baka pati ‘yung manang na may tindahan malapit sa campus ay isipin mo ring may crush sa akin.”

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon