Chapter 10 : The Dessert And The Realization

33.1K 657 59
                                    

ASHLEY

"COFFEE?" MALAMBING KONG tanong kay Bobby habang nakataas ang isang kilay ko.

Unti-unti ay lumiwanag ang mukha niya. Then his lips formed into a smiley grin.

His cute smiley grin na kanyang-kanya lang at walang pwedeng makapantay.

"Sabi ko na hindi mo ako matitiis, eh," natutuwang sabi niya.

Oh, that fucking dreamy eyes were smiling again.

Napaisip ako. Bakit nga ba hindi ko siya matiis? Bakit nga ba ang haba na ng oras na magkasama kami kanina ay gusto ko pa rin siyang makasama?

Tinaasan ko siya ng kilay. "But I'm warning you, ha? Hindi ako masarap gumawa ng kape. Don't expect anything."

"Warning, noted. No expectations." He gave me a boyish smile.

Naglabas ako ng isang buntong-hininga. "Halika na. Come in," yaya ko.

Nang tumalikod ako para pumasok sa pinto ay humawak siya sa beywang ko mula sa likuran ko. His hands molding my hips like a puzzle piece.

Saktong-sakto.

What does that even mean, Ashley?

"Si Tita?" tanong ni Bobby nang makapasok na kami sa sala. "Tulog na?"

I motioned for him to sit on the couch. Then I shrugged my shoulders. "Baka. O kaya kausap 'yung boyfriend niyang si Congressman."

Kumunot ang noo ni Bobby. "Congressman?"

Marahan akong tumango. Pagkatapos ay matamang tumingin sa kanya. "Alam mo bang mistress lang si Tita ni Congressman?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Bobby. Kung nagulat man siya sa sinabi ko, hindi niya iyon ipinahalata.

He might as well know the truth. Na ako ay galing sa isang fucked up at dysfunctional na pamilya. Hindi tulad ng Kate niya.

Where is that hugot coming from, Ashley?

Nagtuloy ako sa dining area. Mula sa dining area ay kitang-kita na agad ang sala.

I felt that Bobby was filling the living room with all of him. Ang laking tao kasi. And his eyes were following me. Alam kong hindi niya ako tinatantanan ng tingin.

"I didn't know. Until now. Hindi ka naman nagkukuwento, eh." Para may halong tampo ang boses niya sa sinabing hindi ako nagkukuwento. "You always block me whenever I ask questions about you. Kumbaga sa basketball, lagi akong butata sa 'yo."

Napangiti ako sa analogy na ginamit niya.

Tumayo siya at sumunod sa akin sa dining area.

Kumuha ako ng tasa sa cabinet para sa kape niya. "What is there to talk about my dysfunctional family? Being a mistress is not something you can be proud of. Tita Liezel is a mistress. My mom was a mistress. And I am an illegitimate child."

Sumandal siya sa kitchen sink at humarap sa akin. He folded his arms over his chest. "Honestly, okay lang ikwento mo sa akin ang dysfunctional family mo kung sa gano'ng paraan naman kita mas makikilala pa. It doesn't bother me a bit. Hindi mo naman kasalanan ang magkaroon ng dysfunctional family. And besides, I don't want to be judgmental. Hindi ako perpektong tao para husgahan ang kapwa ko."

Hindi ako kumibo. Nagpatuloy lang ako sa pagtitimpla ng kape. Pero ikinatuwa ko ang sinabi niya.

It doesn't bother me a bit...

Oh, fuck shit. Parang gumaan ang pakiramdam ko roon.

Natigil ako sa pagtitimpla ng kape nang kunin ni Bobby ang dalawa kong kamay. His dreamy eyes bored into mine. As if trying to read my emotions through my eyes.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon