Special Chapter 15 : Fatima Rivera

9.2K 265 196
                                    

BOBBY

SINONG PATTY?” CURIOUS na tanong ni Ashley Grace.

Pucha!

Sa tono ni Gracie ko, mukhang hindi ko pa nababanggit sa kanya si Patty. Wala naman kasi akong nakikitang dahilan para ikuwento sa kanya si Patty.

Patty was just a classmate. At may iba rin naman akong kaklase na ka-text ko maliban kay Patty.

Pero dahil nag-text at nakita ito ni Gracie, mukhang mahaba-habang question and answer portion ito.

Knowing my Gracie.

I threw her a glance. “My classmate,” I simply answered then shifted back my gaze on my cellphone. Gusto kong ipakita sa kanya na walang dahilan para pag-ukulan ng pansin si Patty.

I am with the love of my life... I texted Patty. Alam ni Patty na may girlfriend ako.

She said she had Googled that when she learned that one of HFU Roaring Lions' Formidable Trio would.be her classmate. May mga pictures kami ni Gracie na lumalabas sa internet kaya maski paano ay kilala na niya si Ashley sa mukha.

After a few seconds, Patty replied with crying emojis. Puno ang dalawang linya ng text message ng crying emojis.

Napangiti ako. Palabiro si Patty. Alam kong isa ito sa mga biro niya.

But when I glanced at my Ashley Grace, she did not take it as a joke. Salubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa text message sa cellphone ko. At nang mag-angat siya ng tingin at diretsong salubungin ang tingin ko ay mataray ang pagkakatingin niya sa akin.

Instead of getting frightened with the way she furrows her eyebrows, I did find it pretty that I wanted to kiss her.

My feisty Gracie.

I looked at her with affection. Lumabas ang isang ngiti sa labi ko.

Marahan ko siyang kinabig at ikinulong sa mga braso ko. Inside his most comfort zone. I kissed each eyebrow tenderly.
“Salubong ang mga kilay mo. Lalo ka tuloy gumaganda sa paningin ko,” malambing kong sabi.

“’Wag mo nga akong utuin!” mataray niyang sabi. “May Patty tayo na dapat pag-usapan.”
Nagpumilit siyang kumawala yakap ko pero hindi ko siya pinakawalan. Never.

“You’re in your most comfort zone, Ashley Grace. Wala tayong Patty na dapat pag-usapan,” sabi ko na mas hinigpitan ang yakap sa kanya. “It’s just you and me for now less than two hours. Just us. Always…” I whispered while showering her temple featherlight kisses.

Tumigil si Ashley sa pagpalag marahil ay na-realize niya ang katotohanan sa sinabi ko.
Isiniksik niya ang sarili sa dibdib ko, inhaling my scent.

And this was heaven for me. My Ashley Grace in my arms.

Sa mga nakalipas na linggo ay sobrang busy ako. Kung apektado siya, mas apektado ako nang higit kaysa sa kanya. Hindi na kami madalas na magkasama at magkausap. Kaya nga ginagawan ko ng paraan minsan. Pero minsan ay sumasablay talaga ako. Kinukuha ng pag-aaral ng medisina ang oras ko na para sana kay Gracie lang at sa pamilya ko.

Lalo pa at kabilang ako sa Integrated Medicine Program. Mas advanced. Mas mahirap.

Idagdag pang anak ako ng mga kilalang doctors sa bansa.
Several professors would mock me and would imply that I was just a poor second to my siblings, and nothing compare to my parents. Minsan ay inaakusahan akong ginagamit ko ang apelyidong ‘Gallego’ para gumaan ang lahat sa akin.

Some even doubted why I passed the Integrated Program.
Nagdududang baka ginamit ng mga magulang ko ang impluwensya nila.

Pucha! Hindi nila alam kung anong klaseng pagre-review ang ginawa ko makapasok lang dahil gusto kong maging proud ang mga magulang at mga ate ko sa akin.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon