Chapter 59 : Off To Nowhere

18.1K 440 411
                                    

Hello to _chennycii, zrhmysntxx and SophieDianneDeGuzman 🙋 Aldus and Gracie say hi! ❤ -- Dyosa

*******************************

ASHLEY

PINAHID KO ANG luha ko at kinuha ang cellphone ko. I had been waiting for almost three hours for Bobby to come back.

Or to just text me.

Pero wala.

Gumalaw ang mga daliri ko sa screen ng cellphone ko. I sent a text message to Bobby.

Isang text message na hindi ko masyadong pinag-isipan kung ano ang magiging implikasyon.

Isang text message na dala lang ng nararamdaman kong galit.

Na kina Kate ka ba? Kung nagpunta ka kina Kate, BREAK NA TAYO, BOBBY.

Pagkaraan ng ilang minuto, tumunog ang cellphone ko at isang text message ang pumasok.

It was from Robert Aldus.

Pagod na ako, Ash. Ayoko na.

Para akong natuklaw ng ahas sa nabasa ko.

No.

More than that.

More painful than that.

Para akong tinarakan ng kutsilyo sa puso.

Iyon na ba ang pinakamasakit na paraan ng pagkamatay? Kung iyon nga, iyon ang pakiramdam ko ngayon.

It was as if my heart stopped beating right away.

It did not bleed. It just stopped beating.

To stop feeling the pain.

For a moment, my mouth was hanging open.

Namanhid and buong katawan ko. Hindi ko nga magawang umiyak.

Tiningnan ko muli ang cellphone ko at tiniyak ko nang paulit-ulit kung si Robert Aldus ko nga ang nagpadala ng text message na iyon.

Ng isang text message na parang punyal na nakatarak sa puso ko.

Pero walang duda na sa kanya nga galing. It was his number. It was his name.

Pagod na ako, Ash. Ayoko na.

It was Robert Aldus.

One hundred percent. It was his cellphone number. Walang kahit na sino ang magte-text gamit ang cellphone niya kung hindi siya dahil hindi gusto ni Aldus ang pinakikialaman ang cellphone niya.

Kaya nga hindi niya iyon nilalagyan ng password lock. Dahil tiwala siyang walang makikialam ng cellphone niya.

Ako lang naman ang pinagbibigyan niyang pakialaman ang at basahin ang text messages niya para matigil na ako sa pagseselos.

Pagkatapos na makaramdam ako ng pamamanhid ng buong katawan nang itarak sa puso ko ang punyal, unti-unti ay nararamdaman ko na ang sakit.

The bleeding started.

And then came the pain.

Na tila ang bawat letra sa text message niya ay isinusulat sa puso ko gamit ang punyal na nakatarak.

Painful.

So very fucking painful. Sagad hanggang hanggang buto.

Hanggang sa kailalimang parte ng puso ko.

Pagod na ako, Ash. Ayoko na.

And then, tears ran down along my cheeks. Nag-uunahan sila na para bang may contest at mananalo kung sino ang unang makarating sa baba ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon