Chapter 32 : Jealous Aldus

30.3K 497 124
                                    

ASHLEY


"THE TEACUP PARTY before was just among Maxine, Maxine's best friend, Abba and Trixie. Pagkatapos ay nakikisali-sali lang ako to spend time with my nieces. Hanggang sa dumami na ang mga bata dahil nakisali na rin ang ibang mga batang babae rito sa subdivision nina Ate One at hanggang sa maging malaking once a month party na ito. Na eventually ay nagkaroon na ng theme at naging dress up party na rin," esplika ni Bobby sa akin habang magkahawak-kamay kaming pumapasok sa malaking bahay nina Ate One sa Urdaneta Village sa Makati City. "At buwan-buwan ay kani-kaniyang bahay ng bawat bata ang nakatoka sa paghahanda. Toka ngayon nina Ate One kaya dito ginaganap ang party."

Ang theme ng teacup or dress up party ng mga bata ngayon ay Luau party kaya naka-color blue akong Hawaiian grass skirt na hanggang tuhod na tinernuhan ko ng white halter blouse at flip flops. Meron pa akong flower head lei at wrist lei sa magkabilang kamay na pawang color blue din para kumpleto ang look. Hindi na ako nagsuot ng lei sa leeg dahil mao-over na ang look ng attire ko.

Si Bobby naman ay naka-color blue Hawaiian shirt, dark blue board shorts at rubber flip flops din. Ako ang pumili ng mga suot namin ngayon para terno kami.

And he looked so fucking good looking in his attire. Ang hot lang tingnan ng boyfriend ko lalo na kapag nagi-smiley grin siya.

Parang gustong malaglag ng underwear ko.

Fucking duh, Ashley Grace. Pervert lang ang dating?

Ito ang unang pagsali ko sa dress up party ng mga pamangkin ni Bobby although nakilala ko na noong isang linggo pa ang mga pamangkin niya nang mag-lunch kami sa bahay nila.

Me and his nieces hit it off. Ilang minuto pa lang kaming magkakakilala ay parang magbi-best friends na kami. Ang kikikay rin kasi ng mga pamangkin ni Bobby.

And I realized na pwede rin pala akong maging malapit sa mga bata kung gugustuhin ko. Noon kasi, maski sa mga bata ay naglalagay ako ng wall kaya siguro walang mga batang lumalapit sa akin.

"Dati, hindi ka pwedeng um-attend ng teacup party nila unless you are invited," paliwanag pa ni Bobby. He was giving me a backgrounder about the occasion.

Napangiti ako. "Parang sorority lang ang peg, ha?"

Bobby chuckled. "Yeah. Mga suplada lang," aniya pero kariringgan naman ng fondness ang boses para sa mga bata.

"Ilan na ba ang members ng teacup club nila?"

"'Yung huli kong punta, they were only eight," sagot niya. "Pero since matagal na akong hindi nakaka-attend-" His dreamy eyes bored into mine, teasing. "Dahil sa kabubuntot at kadidikit ko sa 'yo ay hindi ko na alam kung ilan na sila ngayon." His eyes twinkled with amusement.

I laughed out loud. "Eh, sinabi ko ba sa 'yong buntutan at dikitan mo ako?" maarte kong tanong habang nakataas ang isang kilay.

Tumigil siya sa paglalakad. Nasa malaking sala na kami noon papunta sa swimming pool area ng bahay. Doon kasi gaganapin ang dress up party.

Humarap si Bobby sa akin. His gaze became intense, shifting from my mouth to my eyes. "No. But my heart did," seryoso niyang sagot. "Kasi naramdaman ng puso ko na magiging masaya ako sa piling mo. The heart really knows the way to one's happiness."

At nasapol na naman ako sa puso ng cheesy words ni Bobby.

I wrinkled my nose. "'Tang 'na, wala na naman akong masabi dahil sa kilig," biro ko. "Halika na nga." Ako na ang mismong humila sa kamay niya at naglakad na ulit kami.

Tumunog ang cellphone niya at kinuha niya sa bulsa. Matapos basahin ang text ay ibinalik muli sa bulsa ang cellphone. "You're beautiful..." walang anu-anong sabi niya sa mahinang tinig. He was not even looking at me.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon