Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley

18.5K 415 193
                                    

ASHLEY

"YOU'RE LATE!" PASIGAW kong sabi kay Bobby pagkabukas ko pa lang ng pinto sa kanya.

Trenta minutos niya akong pinaghintay para sa date naming iyon sa birthday ni Ah Ma, ang aking paternal lola.

Alam ni Bobby na importante sa akin ang okasyong ito dahil ito ang unang pagkakataong inimbitahan ako ni Ah Ma sa isang celebration ng Lim Clan.

Siya mismo ang tumawag sa akin at nagsabing pumunta ako sa seventy-fifth birthday niya.

Hindi niya iyon ipinadaan sa kung sino pa.

Si Ah Ma mismo.

First time ito. And somehow, it made me excited. And happy. Senyales iyon ng pagtanggap sa akin. Siguro dahil sa tulong na nagawa ko kay Patrick.

O dahil nakita nilang medyo okay na kami ni Auntie Maris.

Na kay Auntie Maris naman talaga ang loyalty ng Original Lim Clan kahit na tunay pa nila akong apo.

Because they did not like my mother. Intruder ang tingin nila sa Mommy ko.

Na kay Mommy ko pa rin naman ang loyalty ko. Pero nae-excite lang ako kasi this was acceptance of my existence on their part.

Acceptance again, Ash?

Napakamot sa ulo si Bobby. He smiled. "Sorry na," aniya at malambing akong niyakap sa beywang.

Pinagmasdan ko siya habang salubong ang mga kilay ko.

He looked tired. Parang walang tulog.

My Robert Aldus was rarely late. Sa ilang buwang magkarelasyon kami, mabibilang sa daliri na na-late siya sa date namin. Isa o dalawang beses lang yata.

Isa ito sa mga pagkakataong iyon. At hindi ako sanay na nali-late siya kaya naghuhuramentado ako.

Pinaghintay niya ako.

Bobby kissed me full on the lips. "Sorry na..."

At kapag ganito siya, natutunaw ang inis ko lalo pa at guwapo-guwapo niya sa red long sleeved polo at skinny slacks na medyo bitin ang laylayan.

Isa pa talaga sa nagustuhan ko kay Robert Aldus ay ang paraan niya ng pagdadala ng damit. Maganda siyang magdala ng damit. Siguro ay dahil matangkad at confident kaya ang angas ng dating.

We were asked to wear red. Ganoon kasi sa chinese kapag may nagbi-birthday, lalo na kapag matanda na ang nagbi-birthday. Color red was for good luck in chinese.

I touched his cheek gently. "Bakit ba kasi na-late ka?" malambing kong tanong. Tunaw na ang inis ko.

Wala na ang pagalit na sigaw ko kanina.

Nasa mataas na level na kasi ang inis ko kanina. Lalo pa at hindi siya nag-reply sa huling text ko kung nasaan na siya.

Halatang natigilan si Bobby sa tanong ko. Matagal niya akong pinagmasdan kaya lalong kumunot ang noo ko.

He cleared his throat. "Something... Something came up..." he replied, a little hesitantly.

Umarko ang isang kilay ko. He looked... troubled?

"What?" I asked. There was an edge in my voice. Naisip ko kaagad si Kate. O ang mommy nito.

Sila lang naman ang kalaban ko sa ngayon sa oras ko kay Bobby.

Ilang segundong hindi siya nakasagot. Pagkatapos ay bumuntong-hininga siya. "Si Mom--" alanganin niyang sagot.

His eyes were not on mine. Parang tagos sa likuran ko ang tingin niya. He could not look straight to my eyes.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon