Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing

20.5K 491 560
                                    

Hi to Ivon Mae Casupanan. Thanks for the calligraphy posted above. 😘
Hi to Dhine Ragon Bustamante, Khryzz Catalonia and JamCasphia_Skye.
Thank you for loving Aldus (love n'yo pa nga ba si Aldus after what happened? 😂) and Gracie ❤ -- Dyosa

*******************************
BOBBY

WHAT DID I do wrong?

Iyon ang paulit-ulit na tanong ko sa isipan habang nakalugmok ang noo ko sa manibela ng kotse ko.

Nasa isang gasoline station ako sa labas ng subdivision nina Ashley.

My Ashley Grace.

What did I do wrong? I asked myself again.

You lied to her, Gallego. Iyon ang malaking pagkakamaling nagawa mo, sagot ng isang parte ng utak ko.

Marahan kong naiuntog ang noo ko sa manibela sa tindi ng frustration na nararamdaman ko.

I lied, yes. Aminado ako roon. Pero siya ang iniisip ko nang magsinungaling ako. It was for her own good and happiness.

Iyon naman talaga ang laging gusto kong gawin. Always for her welfare. Always for her happiness.

I would always do what was the best for her.

Because I loved her. More than my own happiness. More than my own life.

Alam kong importante sa kanya ang birthday celebration ng Ah Ma niya. She had been talking about it for days after her Ah Ma personally invited her.

Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong excited siya. I could see it in her eyes. And the way she would anticipate things.

At kaya ko bang sirain ang mood niya kapag nalaman niyang galing na naman ako kina Tita Elvie?

No. I could not do that.

No way in hell.

That was why I lied. Pero sasabihin ko rin naman sa kanya ang totoo.

Plano ko nang sabihin iyon kanina sa kanya bago ako umuwi. I knew she would be okay with it kapag naipaliwanag ko sa kanya na tinawagan ako kagabi ng isang umiiyak at takot na si Tita Elvie dahil nagbabanta si Kate na magpapakamatay kung hindi ako pupunta sa kanila.

Yes, Kate was threatening to end her life. Nakatanggap kasi ito ng isang text message galing kay Zeke na kung hindi ito makikipagkita rito ay ikakalat nito ang sex videos nila sa internet.

That fucking bastard. I will deal with him when I am done with all of this mess.

Alam kong ikasisira ng mood ni Ashley Grace kapag nalaman niya ito. At iyon ang ayaw kong mangyari sa panahong papunta kami sa birthday celebration ni Ah Ma niya.

So I waited for the right time to tell her about it. Kaya nang tanungin niya ako kung bakit ako na-late ay hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.

I did not want to ruin her day.

Pero naunahan ako ng isang text galing kay Tita Elvie.

And Ashley took it the wrong way.

Nagwala na agad siya. At kilala ko siya na kapag galit siya, hindi siya marunong tumanggap ng katwiran.

That was why I raised my voice on her. Her words were all too much to hear.

Hindi na maganda. Marami na siyang hindi magandang nasasabi dahil galit na galit na siya. I tried to reason out but she would not hear any of it. Sarado na ang marahil ang utak niya.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon