Chapter 25 : The Supportive Girlfriend

30.4K 467 17
                                    

ASHLEY

"MISSED ME?" NAKANGITING tanong ni Bobby sa akin ng mabungaran ko siya sa harap ng pinto namin. It was already past ten o' clock in the evening.

Oh, God I missed him so badly, like crazy and hell.

Parang ang lungkot ko sa tatlong araw na hindi ko siya nakita o nakausap man lang. Not even a text message from him. Tatlong araw na halos hilahin ko ang mga oras para matapos na ang team building nila.

Nakakabaliw.

Duh, Ashley Grace. Ang arte-arte mo.

He was wearing a khaki short and baby pink polo shirt and sneakers. Simple pero ang dating ay galing siya sa isang photoshoot para sa isang fashion magazine.

Definitely one hottie guy.

I travelled my eyes around his face. May konting stubbles na tumubo sa palibot ng mukha niya. And those stubbles added hotness to him dahil mas bumagay iyon sa kanyang dreamy eyes.

"Missed me, my Gracie?" malambing niyang tanong even if he looked tired.

I opted to be playful. Tinaasan ko siya ng kilay. "You? No," walang gatol kong sagot.

Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng pagsasalubong ng kilay. "Ah, talaga? Mali pala na dumiretso ako rito mula Zambales. Okay. Bye," naiinis niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam na magiging ganoon ang reaksyon ni Bobby. At bago pa ako nakahuma sa pagkabigla ay agad na siyang tumalikod at tinungo ang sasakyan niya.

Ang tunog ng alarm ng sasakyan niya ang tila nagpagising sa akin sa pagkatulala.

"Robert Aldus!" tawag ko sa kanya. May warning sa boses ko na dapat ay huminto na siya sa pagtawag ko.

Pero hindi niya iyon pinansin. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto ng sasakyan pero mabilis kong naagapan ang kamay niya.

"Bobby, ano ba?!" I said exasperatedly.

Hindi niya ako pinansin.

I rolled my eyeballs. "Robert Aldus..."

Finally, he looked at me. His dreamy eyes linked to mine. Naglabas siya ng isang buntong-hininga. "I am already tired from all day-long activities, Ashley," seryoso niyang sabi. "Pati na sa byahe. But I chose to go straight here from Zambales-just to see you." He gave emphasis to the last words in a serious tone without taking his dreamy eyes off my face. "Just to hear your voice. And to hug you and kiss you." He clenched his jaw. "And then you would tell me you didn't miss me? When I missed you terribly and like crazy?" salubong ang mga kilay na sabi niya. Halata sa boses ang iritasyon dala ng pagtatampo.

Gusto kong matakot. Ito ang pangalawang pagkakataon na nagpakita siya ng seryosong pagkapikon. Una ay noong nasa motel kami na biniro ko siya ng bagong gising siya. At heto naman ngayon.

He looked so fucking cute, though, with his facial expression. Parang batang paslit na nagmamaktol.

Mas nakikilala ko na si Bobby ngayon. Hindi pala siya dapat na binibiro kapag bagong gising o pagod dahil nag-iinarte siya.

Unti-unti akong napangiti at pagkatapos ay natawa habang kagat ko ang ibabang labi ko.

At paano ba akong matatakot kung kahit seryoso na siya ay sweet pa rin siya? Na ang mga sinabi niya ay pinakikilig ako.

Lalong nagseryoso ang mukha ni Bobby. "Don't laugh, Ashley. Walang nakakatawa sa sinabi ko," he reprimanded me.

Alam kong seryoso siya dahil tinawag niya akong 'Ashley'. He would call me that kapag seryoso siya at may gustong ipaintindi sa akin.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon