Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness

35.7K 563 43
                                    

Whew! Finally, nakapag-update na rin ako :)


ASHLEY

"WHERE TO?" I ASKED Bobby nang nasa sasakyan na kami. Palabas na kami sa driveway matapos na ibigay ng valet parking attendant ang sasakyan namin.

Itinabi ni Bobby ang kotse sa isang gilid at humarap sa akin. A playful smile on his lips. "Don't ask me. Dahil kung sasagutin ko ang tanong mo, sasabihin kong gusto kong bumalik na lang tayo sa Grandeur and spend the whole day there."

I pouted my lips at pagkatapos ay sinundot ko siya ng daliri ko sa tagiliran niya. "Masyado!" natatawa kong sabi sabay irap sa kanya.

He jerked then chuckled. "Where to?" he asked back.

"Kina Miranda na lang tayo."

"Ang alam ko ay nasa bahay nina Cobi si Miranda. Family day ng mga Maravilla. Gusto mo d'un na lang tayo pumunta?"

Umiling ako. Alam kong malapit si Bobby sa pamilya nina Jacob. At nahihiya pa akong makilala sila lalo pa sa ginawa kong pambu-bully kay Miranda at pang-i-stalk kay Jacob.

And Bobby understood it.

"Saan mo gustong magpunta?" he asked me again when I fell silent.

"Road trip tayo sa Tagaytay. Pink Sisters Convent."

Tumango si Bobby. "Okay, wish granted. Tagaytay, here we come."

Pero hindi pa nito pinaandar ang sasakyan.

"O, bakit?" I asked.

"Baka sakaling magbago pa ang isip mo na mag-stay na lang tayo-"

Sinundot ko siya ng daliri ko sa tagiliran niya at natatawang napaigtad siya. "Kulit mo!" naka-pout ang lips na sabi ko.

Natatawang pinaandar na niya ang sasakyan.

"You know what?" sabi ko kay Bobby at saglit na napaisip.

Agad na inihinto nitong muli ang sasakyan. Bobby was always like that. Sa tuwina na lang na may sasabihin ako, he would make sure he listens attentively. At kapag ganoon, feeling ko ay espesyal ako.

"What?" curious na tanong ni Bobby. All his attention was with me, especially his dreamy eyes.

"After all the haters' bashing I received against me because of Lucas-and-Stasha issue, I went to a convent and offered myself to be a nun."

Nagsalubong ang mga kilay ni Bobby. "You're kidding me," hindi makapaniwalang sabi niya.

"True," walang gatol kong sabi. "I did. Naisip kong baka igalang na ako ng ibang tao at hindi na i-bash kapag alam nilang nasa kumbento na ako. At saka parang ang kuntento at walang problema lang ng buhay ng mga madre."

"That's ridiculous, Ashley Grace."

"Why ridiculous?"

"Dahil hindi ka bagay maging madre. Hindi ka pwedeng maging madre," seryosong sagot ni Bobby. Salubong pa rin ang mga kilay niya.

I pouted my lips. Medyo na-hurt ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata. Totoo naman iyon dahil maski ang mga madre sa kumbentong pinuntahan ko ay tinanggihan din akong maging madre.

Ang pagmamadre raw ay isang bokasyon. Isang calling na sa simula pa lang ay naririnig mo na sa iyong puso. At hindi solusyon ang pagmamadre bilang pagtakas sa problema o gulo na tulad ng gusto kong mangyari.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon