Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki

20.4K 346 61
                                    

For those who like Achilles Troy "Akki" Eliseo, this one is for you...
#MaisingitLangTalagaSiAkki

ASHLEY

"HOW DO I look?" Bobby asked when I opened the door for him. There was a handsome smiley grin pasted on his face.

Marahan pa siyang umikot para mapagmasdan ko siyang maigi.

I was biting my lower lip while looking at him presenting himself to me.

I excitedly snaked my arms on Bobby's neck and kissed him lightly on the lips.

"Omigosh, you look so fucking cute!" tili ko.

"Words... Ashley Grace Lim," saway sa akin ni Miranda. Pagkatapos ay bumaling kay Bobby. "Hi, Bob. Ang cute-cute mo naman."

Naroroon kami sa bahay nina Miranda. Kasama kong nagpunta si Tita Liezel na nagpapaturong gumawa ng puto kay Miranda na dadalhin niya sa reunion ng batch nila.

Dito na ako sinundo ni Bobby para sabay kaming magpunta sa White Plains Subdivision kung saan gaganapin ang teacup party ng mga bata.

Finally ay nakipaghiwalay na si Tita Liezel kay Congressman.

Finally ay nauntog na rin ang tiyahin ko sa matagal na kagagahan niya.

Sobrang naging malapit din si Tita Liezel kay Miranda. 'Bibi' nga kung tawagin niya si Miranda bilang endearment.

Talagang inangkin na niyang anak si Miranda at si Miranda naman ay 'Mama Liezel' ang tawag kay Tita Liezel.

They have found each other. Wala ng mama si Miranda. Wala namang anak si Tita Liezel.

And I was happy for my Tita Liezel. Sana nga ay makatagpo siya ng isang lalaking magmamahal sa kanya ng bonggang-bongga-flaws and all.

Tulad na lang ng Robert Aldus ko sa akin.

I giggled and gestured a 'peace sign' to Miranda. Jacob and Bobby laughed.

Ang cute-cute naman kasi ni Bobby sa suot niya para sa dress up party ng mga pamangkin niya.

Ang theme ngayon ng teacup party ay 'Back To Grade School'.

And Bobby was wearing his grade school Holy Family Academy for Boys uniform.

Ako ang nagpatahi ng grade school uniform namin doon sa suki kong nanahi ng damit pang dress up party.

Nakaputing shirt jack polo si Bobby na may paha sa pinakalaylayan ng polo niya complete with level, school at name patches.

Sa bulsa ng polo, bandang kaliwang bahagi, ay nakatahi ang school patch ng HFAB at sa bandang itaas niyon ay ang name patch ni Bobby.

Sa itaas ng name patch ay ang level patch na number '3'. Ibig sabihin ay nasa grade three level na ang pupil.

Gallego, Robert Aldus H.

Iyan ang nakasulat sa name patch ng school uniform ni Bobby.

At tulad ni Tita Ave, gandang-ganda na rin ako sa pangalan ng boyfriend ko.

Katerno ng puting shirt jack polo ay ang kulay khaki na shorts na umabot lang ng konti sa itaas ng tuhod ni Bobby.

Nakaabot pa ang batch nina Bobby sa pagsusuot ng khaki shorts sa HFAB mula grade one hanggang grade three. At pagdating ng grade four hanggang high school ay naka-khaki pants na.

Ngayon kasi sa HFAB, lahat ay naka-khaki pants na simula grade one pa lang.

Naka-black shoes si Bobby at isang pares ng puting medyas na may tatlong inches ang haba mula sa sakong niya.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon