Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."

9.4K 436 567
                                    

Hello, Friends! I’m back! Alive and kicking.
Belated happy birthday to @Lhady_Mixxix (also an April baby) 🎂
And shout out to our frontliner friends, lalo na kay @feonaraine. Salute to you. Thank you. 🙋🏻❤
For this chapter, ilayo muna natin sina Robert Aldus at Ashley Grace sa stress. Pa-cute and flirt-flirt muna. Hehe!
Grabe, MAY na pala ‘no? Lumipas ang April ko na hindi ako nakalabas ng bahay. Pero okay lang, basta safe and well, ‘yun ang importante 👍🏻☺
MAY we all be blessed for always. Keep safe and healthy, Friends! I love you ❤ -- Dyosa

*******************************
BOBBY

ARE YOU HERE to apologize on behalf of Ashley?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Patty sa akin.

I asked her for a meeting. Ayaw pa niya noong una. She seemed to be avoiding me since the last incident with Ashley and Dezi in this same coffee shop. Pero sa huli ay pumayag din siya.

She asked for my cellphone before she started talking, making sure it was not recorded.

Smart. Frighteningly smart. She knew how it works and was cautious of it.

“Because if you are, I won’t accept your apology, Bobby,” mataray na dagdag pa ni Patty. Walang kangiti-ngiti sa labi. “Gusto kong si Ashley mismo ang lumuhod at mag-sorry sa akin. Siya ang nanakit sa akin.

Lumuhod? I wanted to laugh. I doubted if Ashley Grace would do that. At sa tingin ni Patty ay hahayaan kong gawin niya iyon kay Ashley Grace ko?

Si Ashley Grace ko pa? Kapag alam niyang nasa tama siya, ipaglalaban niya ang karapatan niya saanman siya makarating--kahit nag-iisa lang siya.

Napahawak ako sa batok. This meeting was a mistake. I should not have asked for this in the first place.

But I was just doing this for Patty.
Alam kong kahapon pa lang, pagkatapos ng meeting ng buong gang, nag-uumpisa nang gumalaw si Andrew Rufino.

Hindi ko na alam ang progress pero in just a few days ay makakarinig na kami ng resulta mula sa kanya.

It could destroy Patty and her family.

And to avoid this, I was giving Patty a chance to walk away to this.

I would want her to be the one to apologize to my Ashley Grace. Na kung nasaktan siya ni Ashley, it was because Ashley just retaliated to her verbal assault.

Hindi sa natatakot ako sa kasong pwede niyang isampa. With my and my friend’s connections, hindi ako natatakot sa pamilya niyang puro lawyers.

Ayoko lang na madungisan ng isang walang kwentang kaso ang pangalan ni Ashley Grace ko kung makakaya naman na makuha sa magandang pag-uusap.

Like I have told Ashley, a court case no matter how trivial, was a serious matter. Ayokong makaabala pa ito sa kanya. O makadungis pa sa pangalan niya.

But Patty seemed defiant. Iniisip niyang siya ang argabyado.
Siguro ay wala pa siyang kamalay-malay na nakarating na sa akin ang mga pinaggagagawa niya.

“And it was because she just retaliated,” pagtatanggol ko kay Ashley, sa pinakakalmadong boses na kaya kong ilabas.

Kahit na sa gusto ko nang makipagsigawan. But no, my mother would not approve of it. Ang laging bilin ni Mommy sa akin, kahit na gaano pa nakakainis ang isang babae, hindi kailangang makipaglaban sa kanya.

It would be ungentlemanly. At isinapuso ko ang pangaral na iyon ni Mommy.

Hindi ako makikipag-away sa babae. Kung kayang pakiusapan sa diplomatikong paraan, gagawin ko sa abot ng makakaya ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon