Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man

8.2K 283 155
                                    

I COCKED MY head on one side and lifted one corner of my mouth. "I changed my mind. May gusto pa pala akong torture-in at patayin sa inggit sa loob." Hinila ko si Aldus sa kamay.

"Quit it, Ashley Grace..." natatawang saway ni Bobby.

Huminto ako at hinarap si Bobby. "Don't worry, my Robert Aldus, it will be a bloodless torture and killing." I wiggled my eyebrows naughtily. Sinundan ko iyon ng isang nakakalokong mahinang tawa.

Makikita ni Crying Emoji Lady ang hinahanap niya.

He examined my face for a moment. The faint light outside highlighted his sexy dreamy eyes. Ang maganda niyang dreamy eyes ang una kong napagtuunan ng pansin maliban sa kanyang sexy packed abs na in-imagine ko na sa utak ko.

He fondly traced the corner of my lips. "Behave, okay?"

I rolled my eyes. "Mag-bi-behave ako kapag nag-behave ang impakta. Pero kung hindi, sorry na lang siya..." I poked the tip of his nose. "Pati ikaw..."

"Bakit pati ako nadamay?"

"Damay ka talaga pag nainis ako sa impakta."

"Even if I'm doing nothing wrong?" Bahagyang nanlaki ang mga mata niya.

"Yep," simpleng sagot ko at tumalikod na saka siya hinila sa kamay.

"Grabe naman..." ang tanging nasabi niya. Like he was accepting the fact but still whining about it. "Good boy na good boy tapos damay pa rin?"

Kahit nakatalikod ako, na-i-imagine ko ang mukha niyang nagmamaktol. Gusto ko tuloy matawa pero pinigilan ko lang. Sigurado naman akong walang siyang gagawing hindi ko magugustuhan. Para lang sa impakta ang warning ko.

Dapat na talagang mag-behave ang impakta. Konting-konti na lang ang pasensya ko at lalabas na ang kamalditahan ko.

PAGPASOK NAMIN SA loob ng bahay nina Wesley ay nakaabang na si Patty. Napasimangot ako. Nabawasan ng ten percent ang pasensya ko.

"There you are!" Nagliwanag ang mukha ni Patty nang makita kami. "Nakuha na ninyo ang nakalimutan n'yo sa sasakyan?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Bobby. Pero mas nagtagal ang tingin niya kay Bobby.

As a silent revenge for her, I put my hand inside Bobby's backpocket. I saw her glance briefly at my gesture. Nang mapatingin siya sa akin ay nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis.

A poisoned sweet smile.

"Hindi. Naalala ko wala pala akong nakalimutan." There was an impish smile on my lips. Bahagya pang tumaas ang isang kilay ko.

"Ganu'n?" Patty could not hide the irritation in her voice.

"Gano'n..." simpleng sagot ko. "Kumain ka na ba?"

She sighed as if trying to suppress her irritation. "Hindi pa. Hinintay ko kayo." She looked at Bobby again.

"Oh," maarte kong sabi. "Bakit naman hinintay mo pa kami? Wala naman sa amin ang pagkain."

Nagtama ang paningin naming ni Patty. Her brows a little furrowed.

I giggled. Iyong hagikgik na lalong nang-aasar. "I was just kidding. Bakit naman kasi hinintay mo pa kami?"

"Wala kasi akong kasama."

Hindi ko maintindihan sa impakta kung bakit ako ang nagtatanong pero kay Bobby siya tumitingin kapag sumasagot. Na para bang ang bawat sagot niya ay para talaga sa kaalaman ni Bobby.

"Huh? Pa'no kung umuwi na pala kami, eh, 'di nagutom ka?"
Nginitian ko si Patty at hinila ko siya sa kamay papuntang buffet table. "Ikaw talaga, Patty, ang ano mo... Halika, kumain na tayo."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon