Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."

6K 375 168
                                    

Kong Hei Fat Choy!  Happy Valentine's Day! I miss you all! -- Dyosa

__________________________________________________________

BOBBY

"BUNTIS AKO, ROBERT Aldus..."

Napabalikwas ako nang bangon sa kama.

Ako naman ang hindi nakakibo.

"Okay, bye..." aniya at agad na tinapos ang pag-uusap namin.

Pucha! Every core of my being was awake with that news!

Ilang segundong hindi ako nakakilos. Parang isang mabagal na internet connection ang utak ko na hindi muna nag-register ang narinig kong sinabi niya. Matagal din na nakatitig ako sa cellphone ko na para bang ito ang magkukumpirma na tama nga ang narinig ko.

Buntis si Gracie ko?

Buntis siya?

Napapikit ako at sinapo ko ng kamay ang ulo ko. Naramdaman kong nanginginig ang mga kamay ko.

Buntis si Gracie ko.

God!

Paano na? Paano na kami?

Pucha! Anong sasabihin nila sa akin? Ni hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral. Ni hindi pa ako ganap na doctor tapos magiging tatay na ako?

Pucha!

Tumayo ako at naglakad patungong pinto. Pero nang nasa tapat na ako ay bigla akong natigilan. Saan ako pupunta? Binuksan ko ang bintana ng kuwarto ko.

I welcomed the air coming from outside. I inhaled a sharp breath.

Ano na ang gagawin ko?

Pumunta ulit ako sa pinto pero nagdalawang-isip akong lumabas kaya lumakad akong muli papuntang bintana. Matagal akong tumayo sa harapan niyon at tumingin sa kawalan.

Anong gagawin ko?

Umupo ako sa gilid ng kama at nangalumbaba habang nananatiling blangko ang utak ko. Maya-maya ay napahilamos ako sa mukha.

Should I call my mom and dad who were now in Singapore for a convention? Should I tell Ate One? Or Ate Two? Or Ate Three who was in her room right now and probably sleeping?

Ano bang dapat kong gawin?

Putang ina, Robert Aldus! Mag-isip ka!

Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone ko.

I pressed a profile name for a video call. Somebody who can really help me. Tumingin ako sa wall clock. It was almost twelve o' clock. Siguradong tulog na siya.

Three rings. Four rings. Five rings.

"Answer, please, damn it!" I muttered under my breath while waiting.

"Bob..."

Nakahinga ako nang maluwag nang lumabas ang mukha niya sa screen.

"Gabing-gabi na, ah... Nanggigising ka..." aniya sa inaantok na tinig. Medyo iritable ang tinig dahil inistorbo ko ang tulog niya.

"Cobi..." mahinang sabi ko. Bigla akong kinabahan. Ano ang magiging reaksyon ni Cobi?

But I knew in my heart, Cobi was the one person who will not judge me. Nor who will leave me alone on this predicament.

And he knew me too well. Para tawagan ko siya sa disoras ng gabi ay alam niyang may seryoso kaming pag-uusapan. Bumangon siya at umupo pasandal sa headboard. Sinuklay niya ang medyo humahaba nang buhok at kinusot ang mga mata.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon