Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm

26.9K 502 38
                                    


Hello! Nag-update din ako sa love story nina Enzo and Jillian (My Cute Jollibee Guy). Sana mabasa n'yo rin :) Thank you and God bless! :)

ASHLEY

"WOW! ANG GANDA!" bulalas ko nang ipakita ni Bobby kinabukasan sa akin ang printed pictures, that were a size of a short bond paper, habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa. Limang printed pictures sa limang magkakaibang poses ng mga bata.

Sinundo namin sina Klang-Klang at Loloy kahapon ng madaling araw ng Linggo. At pagkatapos ay nagtuloy kami sa shelter para sunduin naman sina Buboy, Leah at Lisa at dalhin silang lahat sa isang malaking park sa Manila para roon ganapin ang photoshoot.

Natural na natural ang mga kilos ng mga bata. Lahat sila ay agad na sumusunod sa pinapagawa sa kanila ni Bobby. Na maski ako ay nakikuha na rin ng pictures sa kanila gamit ang aking instant camera na bigay ni Bobby.

Naiimpluwensyahan na ako ng boyfriend ko sa pagkahilig kumuha ng pictures. Sabagay, noon pa man ay mahilig na akong kumuha ng littaro-sarili ko nga lang ang subject ko dahil puro selfies lang naman ang ginagawa ko.

Pero ngayon ay may konti na rin akong kaalaman sa technicalities sa pagkuha ng magandang larawan. All with Bobby's help and influence.

Bobby tsked and sighed. "It's not," kulang sa enthusiasm na sabi niya.

"Ha?" kunot-noong tanong ko.

He licked his lower lip while looking at the picture. "If you look closely at the picture, kinulang ako sa liwanag sa banda rito," aniya at itinuro ang kanang bahagi ng litrato. "Maybe because of too much trees kaya natakpan ang sinag ng araw," paliwanag niya. Tumingin siya sa akin. "And the location? Hindi ko gaanong-" Napakamot siya sa likod ng ulo na parang nahihiya. "-Feel ang location natin. It was too dense with trees."

Napangiwi ako. Ako kasi ang nag-suggest ng lugar. Ang sabi niya kasi ay gusto niya ng isang park na may mga puno at playground area. Sumobra lang sa panlasa niya ang maraming bilang ng mga puno sa lugar.

Tumaas ang isang kilay ko. "Eh, bakit hindi ka umapela n'ung i-suggest at dalhin ko kayo r'on?" nakalabi kong tanong.

Binitiwan niya ang hawak na pictures at inilagay sa center table sa tapat namin. Pagkatapos ay hinarap ako. He looked at me with so much fondness in his dreamy eyes and then pinched my nose-the Robert Aldus way. "Because, I didn't want to disappoint you, my Gracie," malambing niyang sabi. "I've seen how much of an effort you have already exerted in this quest of mine. I just don't have the heart to disappoint the love of my life-my girlfriend." He cupped my face and gave me a quick kiss on the lips. "I appreaciate all your help. Thank you, my Gracie. I love you in this lifetime and the next."

My heart wanted to burst with happiness. Napangiti ako sa sinabi niya. It was so sweet of him. Kahit na alam kong um-over para hindi ako magtampo sa napili kong lugar na hindi pumasa sa panlasa niya.

'Tang 'na naman. Ang swerte-swerte-swerte ko talaga.

Masuyo ko siyang hinawakan sa pisngi. "Didn't I tell you that I will be beside you and behind you in this? I'll be your wind beneath your wings. So, soar high in this quest, okay?"

Hindi siya sumagot. Naglabas lang siya ng isang malalim na buntong-hininga.

Alam ko naman ang iniisip niya. He had barely a week to accomplish all these. Sa Tuesday ng alas-singko ng hapon na ang huling araw ng pasahan ng entries. At hindi niya totally nagustuhan ang resulta ng huling photoshoot.

Kinuha ko ang mga litrato sa center table. Ito iyong magka-shake hands sina Buboy at Loloy habang nakatingin ang tatlong batang babae. "Maganda naman 'to, ah," kontra ko habang matamang nakatingin sa picture. Hindi ko makita ang 'kinulang sa liwanag' na parte na sinasabi niya. Siguro ay dahil wala akong mata pagdating sa totoong ganda at teknikalidad ng isang magandang picture. "Pwede na 'to," dagdag ko pa.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon