Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings

25.5K 498 43
                                    

Hello, there! Finally, nakapag-update na rin :) #RobertAldusIsBack

ASHLEY

"YOU'RE SO FUCKING dapper in your barong," nakangiti kong sabi kay Bobby habang inaayos ko ang kwelyo ng jusi barong niya. Nakailang ayos na ako sa kwelyo ng barong niya just to distract myself from the nervous feeling inside me. My Bobby, as always, looked so calm.

We were at the the lobby of SKP Theatre for the awarding of best entries under amateur and professional categories. Hindi pa kasi kami pumapasok dahil hindi pa iyon nagsisimula. Karamihan ng mga participants at ang mga kasama nila ay nasa lobby pa. After thirty minutes pa magsisimula ang event.

Strictly formal at Filipiniana ang theme ng event. I went to my favorite designer and chose an off-the-rack royal blue terno gown. Wala na kasi akong oras para magpasadya pa.

A week ago, Bobby received an email and a registered letter from the SKP Committee that his entry was included in the shortlist among the eight hundred plus entries nationwide. Ibig sabihin lang ay maganda talaga ang entry ng Robert Aldus ko.

At base din sa sulat kay Bobby, among the twenty shortlisted entries, sampu ang mapipiling finalists ngayon at mula roon ay pipili ang mga judges ng bronze, silver at ng pinakamaganda entry bilang gold medalist.

I hoped Bobby would win the gold medal. He deserved it better than anyone. Ang galing-galing talaga ng boyfriend ko magkwento sa pamamagitan ng picture.

Of course you love your own, Ashley Grace. Napangiti ako sa naisip ko.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Two incumbent senators graced the event. They were also photo enthusiasts at isa yata sila sa mga judges. Kasama na roon ang mga who's who sa larangan ng photography na isa-isang itinuro sa akin ni Bobby. Iyong iba ay kilala ko at naririnig ko ang pangalan, pero iyong iba ay hindi pamilyar sa akin. Pero lahat sila ay kilala ni Bobby. Kapag itinuturo niya sa akin ang isang tao, nagbibigay siya ng profile at trivias sa kilalang taong iyon sa photography world. Kasama na ang isang multimilyonaryong nanggaling sa isang tribo sa Mindanao na isa ring photo enthusiast.

Lahat ng attendees ay naka-barong at Filipiniana formal gowns. Feeling ko tuloy ay nasa SONA kami o kaya ay awards night. Very celebrity ang feeling lalo pa at ang gwapo ng escort ko.

Ibinalik ko ang tingin kay Bobby, who looked so dapper and gorgeously handsome in his barong. It was the first time I saw him in barong. And this handsome sight will be forever etched in my mind.

My gaze went to his smiling dreamy eyes. Sinalubong niya ang tingin ko. "Ang gwapo mo, nakakainis ka," nanggigigil kong sabi sabay masuyong hawak sa pisngi niya.

He laughed quietly. "May gwapo bang nakakainis?"

I smiled. "Meron-ikaw." Pagkatapos ay tumawa ako ng mahina. "Dahil sa sobrang gwapo mo, marami ang napapatingin at nagpapa-picture sa 'yo dahil nakilala nilang ikaw si Bobby Gallego, the NUAP player at naiinis ako dahil doon." Sinundan ko ng ngiti ang sinabi ko para malaman niyang hindi naman talaga ako naiinis.

Hindi naman talaga. Ang mga nagpapa-picture kay Bobby ay pormal kung kumilos at hindi flirt at malandi tulad na lang ng babaeng espasol sa children's party ni Miggy kaya okay lang sa akin. Ako pa nga ang kumukuha ng picture sa kanila. Meron isang grupo ng photo enthusiasts na merong dalawang alumni ng HFU ang lumapit kay Bobby. Sinabi nilang proud na proud sila kay Bobby dahil isang malaking karangalan iyon para sa kanilang taga-HFU-sa aming taga-HFU. At that very moment, I was very proud being Bobby's girlfriend and being a Holyian, too.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon