Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda

17.3K 419 115
                                    

Hello to CandyVeluz. Thank you for the love for Robert Aldus and Ashley Gracie ❤ -- Dyosa

**********************************
ASHLEY

WHEN I MET Bobby’s dreamy gaze, he smiled. Alam kong masaya siya para sa reunion naming mag-ina.

I mouthed ‘thank you’ and threw a flying kiss at him.

Kunwari ay sinalo niya iyon at idinikit sa labi niya ang kamay niyang humuli kunwari sa flying kiss ko.

Then he held my gaze.

My Robert Aldus, who was holding my gaze so intently. And then he smiled, oh, so handsomely and mouthed ‘I love you’ to me.

Lumuwang ang ngiti ko kahit na may naiwang luha sa mga mata ko.

The whole universe and the stars were aligned for me right now. 

Yes, it was. Walang duda.

Especially with Anna Linda Fernandez and Robert Aldus Gallego by my side.

Kumawala ako sa pagkakayakap ni Mommy. Nagkatinginan kami. At para kaming luka-luka na nagkatawanan pagkatapos. At nagyakapan ulit. Masuyo kong pinahid ang luha sa mga mata niya.

She laughed quietly and fondly touched my cheek.

I missed her so much. Kahit may pagka-luka-luka ang nanay ko kapag nai-in love at nakakalimutan ako minsan, still, mahal na mahal ko siya.

Matapos naming magyakapan ay iginiya ako ni Mommy paupo sa isang couch.

Ang receiving room ay isang pribadong kuwartong may mesa at sofa para sa mga bisita ng pasyente. Parang isang maliit ng living room.

Siguro ay para mapanatili ang privacy ng mga pasyente at kung sino man ang dumadalaw sa mga ito.

“So how did the two of you meet?” curious kong tanong habang malambing pa rin akong  nakayakap kay Mommy. Si Bobby ay nakaupo sa pang-isahang sofa sa gilid namin.

Nagkatinginan sina Mommy at Bobby.

“Bobby went all the way to Brazil to see and meet me personally,” sagot ni Mommy at ibinalik ang tingin sa akin.

Nakakunot ang noo ko nang tumingin ako kay Bobby. “Your Brazil trip with Cobi?...”

“The truth was it was not planned like I told you. My only purpose was to talk to your mom,” pagtatapat ni Bobby.

“Why?” mahina kong tanong.

Those pair of beautiful dreamy eyes gazed at me. “Because you always tell me you miss your mom. At kailangang magawan ko iyon ng paraan. Didn’t I tell you I’ll always make you happy?  That I will erase those shitty memories in your head? This is my own simple and little way. Even if makes me one lying bastard in your eyes.”

My throat constricted. Ayokong ipakitang naiiyak ako but with Bobby’s dreamy eyes staring at me with so much affection, I felt my heart swelled.

I felt so loved.

Hindi siya superhero. Pero nagiging superhero na siya ng buhay ko dahil sa mga pinaggagagawa niya sa akin, maliit man o malaking bagay.

At talagang sinabi niya iyon sa harap ng mommy ko--without batting an eyelash.

Tumangu-tango ako at ibinaling ang tingin ko kay Mommy. “Kailan ka pa dumating dito?”

Saglit na nag-isip si Mommy. “More than a month ago...” Tumingin siya kay Bobby. “More than a month ago, right? I’m sorry I lost count. It seems like forever here.”

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon