Chapter 46 : Change Of Heart

19.2K 381 125
                                    

ASHLEY

REACH OUT. IT'S about time...

Iyon ang t-in-ext sa akin ni Miranda matapos kong i-text sa kanya na nginitian ako kanina ni Auntie Maris.

Ngiti na nagpawindang sa akin.

Hindi naman windang na windang pero hindi ko alam kung bakit nakadama ako ng konting kasiyahan sa ngiting iyon ni Auntie Maris.

It was just a half-smile, yes. But it was a smile less her usual 'mataray and don't-mess-with-me' look.

And it was new to me. Ito ang mga bibihirang panahon--na parang patak ng ulan sa tagtuyot--na ngumingiti sa akin si Auntie Maris.

Madalas ay nakasimangot siya na para bang nakikita pa lang niya ako ay nasisira na ang araw niya.

And now she smiled at me.

'Tang 'na! Hindi ba nakakawindang iyon?

Ipinakita ko kay Bobby ang text ni Miranda sa akin. Sinabi ko na rin sa kanya kanina na nginitian ako ni Auntie Maris.

Hindi nga siya makapaniwalang isa iyon sa mabibilang sa daliri na mga panahong ngumingiti si Auntie Maris sa akin.

Bakit daw sa kanya ay every accommodating si Auntie Maris?

I rolled my eyeballs at him when he said that. Paanong hindi magiging accommodating sa kanya si Auntie Maris samatalang siya ang dahilan kung bakit in-accommodate ni Tito Robert si Patrick?

Samantalang ako ay parang sukang-suka si Auntie Maris sa presence ko.

Noon.

Ngayon ay parang nato-tolerate na niya ang presence ng bitch stepdaughter niyang si Ashley Grace Lim.

Magugunaw na ba ang mundo? sarkastiko kong tanong sa sarili.

Napangiti si Bobby nang mabasa ang reply sa akin ni Miranda.
"Very Miranda," he commented.

Napa-smirk ako. "Yeah. Laging positive."

Matamang tumingin sa akin si Bobby. Pagkatapos ay inilipat ang tingin kay Auntie Maris na noon ay nag-iisang nakaupo sa isang tabi.

Mukhang tapos na siyang magrosaryo at ayaw sumalo sa pagkukuwentuhan nina Daddy at ng dalawang siobe ko.

Nagpahinga lang muna siguro sa kadadasal.

"Why don't you?" Bobby asked, a serious note in his voice.

Kumunot ang noo ko. "Why don't I what?" curious kong balik-tanong.

"Reach out..." walang gatol na sagot ni Bobby.

Mapakla akong tumawa. "After all the hurtful words we hurled at each other?" sarkastiko kong sabi. Then I lowered my gaze and gently shook my head. "I don't think so..."

"It was all in the past now, my Gracie," malumanay na sabi ni Bobby. "And besides, you smiled at her, she smiled back at you."

Bakit ko ba kasi nginitian-ngitian pa si Auntie Maris?

"I think you are ready, Ashley Grace..." seryosong sabi ni Bobby. He held my chin and lifted my gaze. Pagkatapos ay masuyo akong pinindot sa noo. "Because you have already learned to forgive those who have hurt you."

At sinundan niya iyon ng isang makatunaw-pusong ngiti.

I pouted my lips exaggeratedly. "Eh, pa'no kung i-reject niya ako?" There was a little fear in my voie which I did not like Bobby to hear.

Pero lumabas iyon sa boses ko.

"She would not do that, Gracie."

"What if nga?" pamimilit ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon