Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes

8.8K 230 104
                                    

Sa mga nauna nang nakabasa, pasensya na sa naunang update a while ago. I had no idea bakit naging ganu'n 😂🤣😂🤣 Anyway, one more time...with feelings. 😂 #Charot 🤣 Here it is ❤ -- Dyosa

*******************************
ASHLEY

DUDONG…” HALOS BULONG kong sabi matapos kong maalala ang lahat-lahat.

Si Hooded Eyes.

Lumuwang ang ngiti ni Dudong. It showed his set of nice teeth and it made his hooded eyes twinkle with delight. “Finally, Grasya… You remembered.”

Bigla ay hindi na ako nairita sa pagtawag niya ng ‘Grasya’ sa akin. Maybe because, somehow, I owed this guy something. He was good to me at that party some years ago.

He protected me from a drunk dimwit. He showed concern. Hindi ba at ipinagluto niya ako at binantayan? Bakit nakalimutan ko siya at hindi agad naalala?

Dahil okupado ni Robert Aldus ang puso at isipan mo… ang sub-conscious mind ko na ang sumagot.

Mataman ko siyang pinagmasdan. He looked a little different from the guy I met years ago.

Mas maangas. Mas malinis tingnan dahil wala na ang stubbles sa paligid ng mukha niya. Gone, too, was his long hair na pwede niyang i-ponytail. Ngayon ay boy’s cut na pero mahaba na ring tingnan dahil lumalampas na sa tenga at kwelyo ang buhok.

But the same rocker-look.
Although, he had so much confidence now with the way he was standing. Mas lumapad siya--with muscled chest and broad shoulders.

And from the way I see it, now was a better Hooded Eyes, the rocker than years ago.

No wonder super tinitilian siya ng mga babae ngayon.

Dumako ang mga mata ko sa mga mata niya. Sinalubong niya ang tingin ko ng isang simpleng pagtaas ng isang sulok ng bibig na umabot sa mga mata niya.

An amused look.

Na madalas niyang ibigay sa akin noon pa man. Na para bang lagi niya akong kinatutuwaan kahit na pinagsusupladahan ko siya.

The meeting of our gazes caught me off guard. It made my heart skipped a beat.

Because, for me, he was uber cute wearing that cute amused look.

I cleared my throat. “You said your name was ‘Dudong’. Bakit naging ‘Rome’?” curious kong tanong.

He laughed quietly. His raspy, husky voice emanating softly in my ears. It sounded good.

“I never said that my name was ‘Dudong’. Hindi mo nga tinanong ang pangalan ko, eh,” nakangiti niyang sabi habang ang boses ay may konting himig-pagtatampo.

“Pero tinawag kang ‘Dudong’…”

“Ng mga tarantado kong kabanda kapag gusto nila akong asarin lalo pa at may kausap akong magandang babae…” His eyes were dancing with amusement. “But a lot of people call me ‘Rome’. My nanny from Surigao used to call me ‘Dudong’. My close friends and bandmates would call me that to--“ He shrugged his shoulders. “Alam mo na, as an endearment…” He joked, giving emphasis to the word ‘endearment’.

Wala sa sariling napatango ako while meeting his hooded eyes. He was looking at me with a faint smile on his lips.

Matagal na nagtama ang paningin namin. Pareho naming gustong makita kung ano ang nagbago sa isa’t-isa sa nakalipas na mga taon.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon