Special Chapter 20 : Cobi's Warning

11K 295 178
                                    

ASHLEY

BOB…”

NAPABALIKWAS AKO mula sa pagkakayakap ni Bobby.

I knew that voice. That fucking irritating and hateful voice.

It was Patty Rivera. Or should I say, Snakey Patty?

Ay, putang ina naman!

Bumilang muna ako mula isa hanggang lima--hanggang mapakalma ko ang sarili ko sa inis at maayos ko ang ekspresyon ng mukha ko.

Naka-shorts at tank top siya saka rubber flip flops. I remembered she lives two floors up of Francis’s unit at 15th floor in the same condo building.

Nakangiti na ako--papilit nga lang--nang harapin ko si Patty. “Patty!” kunwari ay gulat kong sabi.

Bobby and I were still both sitting on the edge of the car’s hood. Nakayakap pa rin ang braso niya sa balikat ko habang hawak ang baso ng kape sa kabila.

“Hi, Ash,” bati ni Patty at ibinaling na agad ang tingin kay Bobby. “Hi, Bob. You’re here pala.”

Obviously, bruha. Hindi mo ba nakikita?

Gusto kong magtaray. Ang hirap magpaka-plastic lalo na at hindi naman ako plastic.

Behave, Ashley Grace. Make Miranda proud by not making patol to the impakta, paalala ko sa sarili ko.

“Why are you here, Patty? Gabi na, ah? Dapat nagpapahinga ka na,” kaswal kong sabi. “Beauty rest ka na…” dagdag ko pang sabi sa pa-sweet na boses na kahit ako ay naki-cringe sa sarili ko.

Para gumaganda-ganda ka naman maski konti… kung pwede ko lang sanang idagdag

“Nalaman ko kasing hindi pa kayo tapos sa ginagawa n’yo,” aniya na kay Bobby nakatingin. “So I brought you brewed coffee. Then Francis told me you went down--“

To meet me,” mabilis kong sagot. “He’s safe. He’s with me. Hindi mo na siya kailangang hanapin pa. And I already brought him coffee.” Pigil na pigil ang panggigigil sa boses ko.

Nagsulat ako ng salitang ‘fuck’ sa hita ni Bobby at nilagyan ko pa ng exclamation point na ikinaigtad niya.  He was biting his lower lip to suppress the smile. Alam kong nakikiliti siya. O gusto na ring matawa sa ginagawa ko.

Nagsulat naman siya ng letter ‘I’, isang korteng puso at letter ‘U” sa braso ko.

“There’s hot brewed coffee upstairs, Bobby,” malambing na sabi ni Patty. Her eyes directed to Bobby.

To my Bobby.

Bobby smiled casually. “I’m already having my coffee, Pat." Itinaas pa niya ang coffee cup na hawak.

Umismid si Patty. “Malamig na ‘yan. Mainit ‘yung nasa itaas.”

Umarko ang isang kilay ko.
Mainit pala. Kung ibuhos ko kaya sa kanya para manahimik na siya?

Bobby smiled again. Tumingin siya sa akin at saka ibinaling ang tingin kay Patty. “Hindi naman ‘yung kape ang mahalaga, Pat… Kundi ‘yung may dala ng kape.”

Bobby shifted his gaze to me and I rolled my eyeballs. May hatid na kilig ang sinabi niyang iyon sa akin.

Especially with his sexy and expressive dreamy eyes.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Patty. Waring natigilan.

At bumahid ang lungkot sa mukha na agad din naman niyang naitago sa pagngiti nang matipid.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon