Chapter 61 : That One Text Message From Miranda

21.1K 443 395
                                    

Hello to EmerCabuyadao 😊 Thanks for supporting Aldus and Gracie's love story ❤ -- Dyosa

*******************************
ASHLEY

BUMUNTONG-HININGA SI AKKI. "Nowhere..." ulit niya. "Jesucristo..." he muttered in spanish. "The more I won't let you be on your own at this unsafe hours."

He looked directly to my eyes. Gray eyes piercing down to mine.
"I'm coming with you..."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?!"

"You heard me right."

"No!" I said vehemently.

"Ashley..." ani Akki sa mapagpasensyang tinig matapos na maglabas ng isang buntong-hininga. Like he was trying not to get pissed.

"Sa tingin mo kapag hinayaan ko kayo ni Miranda na magpunta sa 'nowhere' na sinasabi n'yo ay matatahimik ang isipan at kalooban ko? When I could have have done something else like not letting you be on your own at this ungodly hour? Aanihin ko ang galit ng isang Bobby Gallego at Jacob Maravilla--at ng buong Roaring Lions basketball team. Or worse, the whole HFU kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo dahil pinabayaan ko kayo."

"No way!" nagpupuyos ang kalooban na sabi ko . Lalo pa at nabanggit niya si Bobby. Wala ng pakialam si Bobby sa akin.

At wala na rin akong pakialam sa kanya.

Really, Ashley Grace? Really?

Matamang tumingin si Akki sa akin. "I'm taking no for an answer, Ashley," seryosong sabi niya.

"K-kaya namin ang mga sarili namin..." Hanggang sa huling sandali ay gusto kong magmatigas. Iyon lamang ay kinulang na sa conviction.

Akki's lips formed to a smirk. Parang gusto niyang matawa nang sarkastiko sa sinabi ko.

Tatanggi pa sana ulit ako pero pumagitna na sa amin si Miranda. Marahan niya akong hinawakan sa kamay. Isang hudyat na huwag na akong magsalita pa.

"I think, Akki is right. We could use some company. Someone who can drive..." sabi ni Miranda habang may isang charming at nagpapaintinding matipid na ngiti sa labi.

Wala na akong nasabi.

God. Bakit pa kasi namin nakita-kita si Akki?

"Thank you, Miranda," ani Akki. "Just give me a few minutes to instruct things with Dario."

Pagkatapos ay tumalikod ito at lumapit sa kinaroroonan ng bodyguard nila at ni Phoebe.

Una nitong nilapitan si Phoebe. Hindi ko gaanong marinig ang pinag-uusapan nila. Pero sa reaksyon ni Phoebe ay mukhang kumokontra ito at tila pinakikiusapan naman ito ni Akki.

Maya-maya ay nakita ko si Akki na kakamot-kamot sa ulo at nilapitan ang bodyguard nilang si Dario. Nakita kong matamang nakikinig ang bodyguard at tumatango.

Pagkatapos na makausap ni Akki ang bodyguard ay pumunta itong muli sa sasakyan nila at pinalabas si Phoebe. Magkahawak-kamay silang lumakad pabalik sa amin.

Gusto kong matawa nang malakas dahil hawak pa rin ni Akki ang plastic ng yelo na hindi nito napapansin.

"I'm coming with you!" excited na tili ni Phoebe. "This is going to be fun." Pumalakpak pa siya.

Sabay pa kaming napatingin ni Miranda kay Akki. He just shrugged his shoulders and rolled his eyeballs as if he cannot do anything about it anymore.

Pero sigurado naman akong hindi gagawa ng desisyon si Akki na magiging alanganin ang nag-iisa niyang kapatid. We all knew in the teacup club how much Akki loves Phoebe.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon