Special Chapter 8 : Rome del Mundo

9.5K 259 175
                                    

ASHLEY

FIVE MONTHS LATER

“What do you mean hindi ka siguradong makakarating bukas?” pagsigaw kong tanong habang magkasalubong ang mga kilay ko.

Mahigpit ang hawak ko sa cellphone na para bang doon ko ch-in-channel ang inis na bumabangon sa dibdib ko.

“Ashley Grace, please…” ani Robert Aldus sa nagpapaintinding tinig.

I closed my eyes and counted one to ten.

One… Two… Three… Four...

Be patient, Ashley Grace. Be understanding, pagsa-psyche ko sa sarili ko.

Ayokong kasing mag-away na naman kami ni Bobby.

Na naman.

Hindi ko alam kung ilang beses na kaming nag-away nitong buong linggo. Hindi lang isa o dalawa kundi marami na.

Hindi ko na matandaan kung ilang beses na. At sa buong linggo lang na ito. Pwera pa ang mga naunang mga linggo.

At ang laging pinagmumulan ng hindi namin pagkakaunawaan ay ang kawalan ng oras niya sa akin.

At sa relasyon namin.

Simula kasi nang magsimula sa med school si Bobby ay kinakain na halos ang buong oras niya sa pag-aaral na halos wala na siyang natitira para akin at sa relasyon namin na siyang labis na ikinaiinis ko.

Ikinatatampo ko. Ikinagagalit ko.

Tulad ngayon.

Tomorrow would be the 99th year foundation of HFU. At espesyal ang magiging celebration dahil bukas ang magsisilbi nitong kick-off para sa centennial celebration next year.

All of the alumni--sikat man o hindi--basta alumni ng HFU ay imbitado. Isang buong araw na celebration na may bonfire party pagsapit ng takipsilim kasabay ang hinihintay na concert ng Holy Smoke--ang sikat na alternative rock band sa buong bansa.

Lahat ng miyembro ng bandang Holy Smoke ay graduate ng HFU. In fact, sa campus grounds ng HFU nabuo ang Holy Smoke dahil sa pagdya-jamming ng mga miyembro noong nag-aaral pa sila sa HFU.

At kaugnay ng centennial celebration, imibitado rin ang buong Roaring Lions Basketball Team na nag-uwi ng four-peat Championship last year.

Ang batch nina Cobi, Andrew, Ryan at Bobby na miyembro ng basketball team na pawang mga  graduates ng HFU.

Cobi was now busy with his apprenticeship sa Santelices Group. Ryan and Andrew were busy in D-League basketball in preparation for their entry in professional basketball. And Bobby--my Robert Aldus--was busy with medical school.

So fucking busy na halos wala na siyang oras para sa akin. ‘Tang ‘na lang talaga.

“My Gracie?” untag ni Bobby sa malambing na boses nang hindi ako sumagot sa kabilang linya.
He was always like this. Agad na naglalambing kapag alam na naiinis na ako. At agad namang malulusaw ang inis ko.

But not this time.

Nakaka-self-pity na ang kawalan niya ng oras sa akin.

“What is it this time, Robert Aldus?” tanong ko sa malamig na tinig. Wala na ang matinis na boses ko na bagaman inis ay naroroon pa rin ang pagpapabebe.

This time I was serious.

Like hell.

Dahil masamang-masama na ang loob ko. Hindi na iyon kayang lusawin ng paglalambing niya.
Naipon na kasi. Parang kalat na winalis at itinabi lang sa isang gilid na naipon at dumami na.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon