Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate

19.4K 428 257
                                    

BOBBY

"DON'T LEAVE ME, Bubba... Pretty please..."

Hindi ako sumagot. I just sighed.

There were two girls in my life.

The one who broke my heart and shattered it to pieces. She owned that two beautiful years of my life.

And the one girl who made my shattered heart whole again. The one who will love me in her lifetime and the next.

I smiled.

Siguradung-sigurado ako sa sarli ko.

Doon ako sa babaeng bumuo ulit sa akin. Sa babaeng alam kong nagmamahal sa akin-even in her most karinyo brutal way.

Dahil alam kong sa kanya na ako magiging masaya sa buhay kong ito at sa susunod ko pang buhay.

Kay Ashley Grace Lim lang. My Gracie.

And that special girl was calling me now.

Alam kong siya ang tumatawag kahit hindi ko pa nakikita ang pangalan niyang nakarehistro sa cellphone ko. I just knew.

Ganoon kalakas ang dating ng isang Ashley Grace sa akin.

I put out my cellphone from my pocket. At katulad nang walang pagdududa kong naisip, it was my Ashley Grace.

Nakalabas ang caller ID na picture niyang naka-smile nang maganda habang nakakindat. Pilya ang pagkakakindat niya na parang may iniisip na pilyang move.

I was the one who took the picture and made it her signature caller ID on my phone.

Kumawala ako sa pagkakayakap ni Kate. Nakita kong palihim niyang sinulyapan ang cellphone ko para makita kung sino ang tumatawag sa akin. Pero hindi niya nakita dahil naiangat ko na ang cellphone.

Unintentionally. Wala naman akong balak itago sa kanya iyon. What for?

"I need to take this call, Kate... Excuse me," paalam ko.

Pagkatapos ay tumingin ako kina Tita Elvie, Tito Dindo at Kuya Kelvin. "I need to take this call. It's important."

"It is your mom? Baka hinahanap ka na niya-" nahihiyang sabi ni Tita Elvie na masuyo pa akong hinawakan sa braso.

Nginitian ko si Tita Elvie. "No, Tita. It's my girlfriend Ashley," matapat kong sagot.

Narinig ko ang malakas na paghigit ng hininga ni Kate nang marinig ang pangalan ni Ashley. At sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagsimangot niya sa pagbanggit ko ng pangalan ni Ashley.

"Oh. I'm sorry," sabi ni Tita Elvie. "Take her call. Baka hinahanap ka na niya."

"Excuse me..." sabi ko.

Pero agad na napigilan ni Kate ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. "Don't leave, Bubba... Don't leave me," nagmamakaawa niyang sabi sa hysterical na tinig.

I smiled at Kate with more patience I could muster. Alam kong na-trauma siya kaya ganito na lang ang reaksyon niya at naiintindihan ko iyon.

"I'll be back, I promise," sabi ko sa mapagpasensyang tinig. "I just need to take this important call..." Pinisil ko ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko. At pagkatapos ay marahan akong kumawala at tinungo ko ang pinto para makalabas.

"Please come back!" Don't leave me!" sigaw ni Kate. She was hysterical.

Agad namang lumapit sa kanya sina Tita Elvie at Tito Dindo at pinakalma siya.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon