Chapter 58 : Finding Ashley Grace

19.9K 467 302
                                    

Hi, Ju Vy Corsame. Thanks for the calligraphy of the whole gang's name posted above ❤ -- Dyosa

*******************************

BOBBY

PUCHA! NASAAN NA si Ashley Grace ko? iyon ang tanong sa isipan ko. Where the hell is my Ashley Grace?

God. Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa kanya.

I will never ever forgive myself.

I would not know what to do in my life if I lose her.

"Gusto mo bang samahan kitang hanapin siya?" Jacob asked gently when I fell silent.

Naglabas ako ng isang malalim na paghinga. "Yeah... Please..." walang pag-aalinlangan kong sagot. Hindi ko kakayanin itong mag-isa.

Hanapin si Ashley Grace ko.

Saan ko ba siya uumpisahang hanapin kung lahat ng mga taong malalapit sa kanya ay hindi alam kung nasaan siya?

I always go on road trips kung masama ang loob ko o kung wala akong ibang mapuntahan...

Napahilamos ako sa mukha.

Putang ina! Gabi na. Saan ko siya hahanapin?

Frustrated na napasuklay ako sa buhok at tumingala ako.

Maitim na ang langit pero lumiliwanag dahil sa hindi mabilang na maningning na mga bituin.

Katulad ng pagmamahal ko kay Ashley Grace--immeasureable.

Please keep her safe, Dear God, piping dasal ko. Paglinawin Mo ang isipan niya at sana ay maisipan niyang umuwi. I want to see her safe and sound.

Because she is my life.

Now. Please. I am begging you, Dear God.

"Magbibihis lang ako at magpapaalam kay Mom," sabi ni Cobi.

"Thanks," mahinang usal ko. Halos wala ako sa sarili habang sumasagot kay Cobi.

"Saan tayo magkikita?" he asked.

Saan nga ba? Saan ko uumpisahang hanapin si Ashley Grace ko?

Biglang pumasok sa isipan ko ang isang lugar kung saan nagsimula ang lahat.

"Sa convenience store kung saan nagsimula ang lahat..."

My best friend knew that place.

Ang term ko sa convenience store na iyon ay 'ang lugar na kung saan nagsimula ang lahat sa amin ni Ashley Grace'.

"Okay, I'll be there," ani Cobi.

"Thank you. And can you just call Grandeur Hotel. Baka nag-check in doon si Gracie," utos ko pa.

Mahalaga din ang Grandeur kay Ashley. Baka doon niya napagpasyahang manatili.

Sana. She would be safe there.

"Sure. I will," mabilis na sagot ni Cobi.

PAPUNTA NA AKO sa convenience store nang tumawag sa akin si Lucas.

"Bro..." sabi ko.

"Nagkita na kayo ni Ashley?" he asked.

I sighed. "Hindi pa. I am heading to the convenience store where we first met. Titingnan ko baka naroroon siya. Susunod si Jacob sa akin doon."

Alam ng buong gang ang tungkol sa mga road trips namin ni Ashley kaya alam din nila kung anong convenience store ang sinasabi ko.

"Pupunta na kami ni Stasha r'on," sabi ni Lucas. "Hindi mapakali si Stasha nang malamang hinahanap mo si Ashley at hindi kayo magkasama."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon