Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully

9.2K 410 494
                                    

Hello, Friends! Hope you are all doing good. Sana okay at safe pa rin kayong lahat lalo na sa mga parteng binabagyo/inuulan pa rin (tapos na sa lugar namin kahapon). Isang mahigpit na yakap sa inyong lahat. Fight lang! 💪🏻 Hindi tayo pababayaan ng Poong Maykapal.

Belated happy birthday to @marlyneclevia05 (May 14 -- tama ba?). 🎉🎂

Happy 1st birthday today, May 16, to @GonzalesAlliah's son na si MIKHAEL 🎉🎈🎂 Lumaki ka sanang malusog, mabait at mapagmahal sa mga magulang (hala, parang birthday wish lang ni Jollibee 😂)

Hi to @Nadinecanas 🙋🏻

Stay safe and well, dear friends!-- Dyosa

**************************
ASHLEY

HINDI AKO MAGPAPATALO kay Patty.

I am Ashley Grace Lim. And I will be Fatima Rivera’s worst nightmare.

Ever.

Magsasalita na sana ako pero nauna nang nagsalita si Don Jacinto. I kept my cool kahit ang totoo ay gusto ko na siyang sugurin.

“Now, bakit tayo humantong sa ganito, Arsenio? Emil?” maawtorisadong tanong ni Don Jacinto. Though his voice was low, it was edgy. He was apparently disappointed with the Rivera family.

“Why don’t you ask your grandson’s friend?” sarkastikong sabi ni Patty at tumingin sa akin nang may pang-uuyam bago ibinalik ang mataray na tingin kay Don Jacinto. “Siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang unang nanakit.”

Hanggang sa abot nang makakaya ni Patty, magsisinungaling at magsisinungaling siya para siya ang mukhang inargabyado.

Isang walang ekspresyong tingin lang ang ibinato ni Don Jacinto kay Patty. Halatang naubos na ni Patty ang pasensya ng matandang don.

Andrew was clenching his jaw. Marahil ay wala siyang ideya kung gaano katigas ang mukha ni Patty para gawin ito sa lolo niya.

But Andrew will let Don Jacinto drop the bomb.

Ibinaling ni Don Jacinto ang tingin kina Arsenio at Emil na para bang hindi nagsalita si Patty. She was being treated as nothing.

Good for her. Alam kong lalong nagpupuyos ang kalooban niya ngayon.

Kahit malamig ang loob ng airconditioned conference room, pinagpapawisan ng malamig si Attorney Arsenio. Pulang-pula ang mukha niya at niluwagan niya nang konti ang suot na gray na necktie.

“Arsenio? Emil? Bakit tayo humantong sa ganito?” authoritative na tanong ng matandang Rufino.

Nagpunas ng pawis niya si Arsenio. “Jacinto--“

But Emil cut off his father. Tumingin si Emil kay Don Jacinto. “Pardon my daughter, Don Jacinto. She’s been a lot of stress lately. At nadagdagan pa iyon dahil sa mga pananakit na natanggap niya…”

I rolled my eyeballs. Oh, please. Ako na naman ang may kasalanan.

Ibinibintang na niya sa akin ang lahat. Kaya hindi ako magtataka kung ibibintang din niya sa akin ang pagpatay kay Jose Rizal.

“I cannot even understand why does my daughter have to attend this business meeting,” pagpapatuloy ni Emil habang salubong ang mga kilay. He emphasized the word business.

For him, business meant nothing to do with his daughter whom he loves so much.

“Like I told you, they’re part of the deal,” seryosong sabi ni Don Jacinto.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon