Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."

6.5K 311 200
                                    

Hello, Friends! As promised, an update for you. Let's all say hi to our Robert Aldus. Have a blessed Sunday. Sana magustuhan n'yo. Take care everyone!❤ -- Dyosa

**************************
ASHLEY

MIRANDA?” SABI KO kay Miranda nang tawagan ko siya sa cellphone.

“Ash? Nagkita na kayo?” agad na balik-tanong ni Miranda sa akin.

Isang impit na iyak ang napakawalan ko. “He’s not here…”

“D’yos ko, asan na kaya si Bobby?” was all she muttered under her breath.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Impit ang pag-iyak ko. Kahit wala si Akki sa tabi ko, ayoko pa ring umiyak.

Kaya ko pa.

Kaya mo pa nga ba, Ashley Grace?

Humigit ako nang malalim na buntong-hininga at sinulyapan Akki. He was on my far left, out of earshot. He told me he would just scout the area. But I knew he was just giving the privacy I so needed right now.

“Sabi sa reception, hindi raw nagagawi si Bobby rito. His car is not even here. Inaway ko pa nga ang receptionist at sinabing huwag nang itago pa sa akin si Bobby. Ipinatawag ko ang manager at sinabing wala si Bobby rito. Ang huli raw punta ni Bobby rito ay two months ago—noong magkasama kami.”

Tila may sumaksak sa puso ko sa thought na iyon.

We were here two months ago.
Together. Happily together.

I knew the manager. Siya ang dating receptionist noong una naming punta ni Bobby rito. She got promoted because of our recommendation to the owner.

Malaki na ang ipinagbago ng beach resort. Malayong-malayo na sa pipitsuging beach resort mula sa una naming punta.

Pagkatapos naming magpunta, we got to talk to the owner. I was the one who suggested to the owners na pwedeng gawing tourist spot ang lugar dahil sa meteor showers.

Sinabi niya sa amin na gustuhin man nilang i-develop ang lugar, wala silang pondo.

Hindi ko alam kung anong ‘magic’ ang ginamit ni Bobby at napautang ng isang rural bank ang may-ari kaya na-develop ang lugar.

Mas gumanda ang lugar.

Mas dumami ang amenities.

Mas dinadayo na, hindi lang ng local tourist kundi pati na rin mga foreigners.

Tulad ngayon. Fully booked na ang lugar dahil meron palang inaabangang meteor shower mamaya.

Ilang tents na lang para sa pagtulog sa tabing-dagat ang available.

Bilang pasasalamat sa amin nina Bobby sa paglaki ng resort at paglago ng negosyo nila, ang cottage na inupahan namin ni Bobby noong una naming punta ay ipinangalan sa amin ng may-ari.

AshBy’s

Pinaganda ang loob at labas niyon. Hinabaan na ang size ng kamang kawayan para magkasya si Bobby sa pagkakahiga. 

Nilagyan ng mga flower pots sa buong paligid. Pinasaya nila ang atmosphere ng buong cottage.

May mga ilan pa ngang turista ang ginagawang back drop ang cottage namin.

At walang sinuman ang pwedeng gumamit noon maliban sa amin ni Bobby.

Iyon ang una kong pinuntahan nang makarating kami sa resort. But it was locked.

At hindi ko napigilan ang pamumuo ng luha ko nang makita ko ang pamilyar framed door décor na nakasabit. Like a small painting in a canvas.

Robert Aldus loves his Ashley Grace in this lifetime and the next.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon